Advertisers
BINULSA ng National University Nazareth School (NUNS) ang kanilang unang UAAP girls beach volleyball title matapos mangibabaw ang Vilmarie Toos at Faith Mangyao laban sa University of Santo Tomas pair Cheng Dadang at Angelica del Mar, 18-21, 21-10, 15-8, Linggo ng gabi sa at Sands SM By The Bay.
Nasungkit rin ng National University ang women’s crown nakaraang Nobyembre, tinalo ang UST sa three sets.
“We’re happy because we had many struggles for the past year. For example, we did not go home for Christmas and New Year just to train, that’s what drove us to become champions,” Wika ni Toos, ang Season’s Most Valuable Player.
Sa semifinal, NUNS’ Toos at Mangyao pinadapa ang Adamson’s Ella Gonzalvo at Maegan Pineda, 21-9, 21-15, habang ang UST’s Dadang at Del Mar nagwagi kontra Far Eastern University Diliman’s Sheena Cafe at Sheila Pascual, 21-17, 16-21, 15-6.
Samantala, Adamson nagkasya sa bronze medal matapos gibain nina Gonzalvo at Pineda ang far Eastern University -Diliman Cafe at Aleah Devosora, 21-17, 21-12.
Nakupo ni Gonzalvo ang Rookie of the Year award, na siya rin ang nakuha sa indoor volleyball event.
Sa boys division, UST’s JM Lagaran at Lance Malinao kinastigo ang NUNS’ ‘ Wayne Dionela at Kian Tan, 21-14, 13-21, 16-14, sa final.