Advertisers
NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang lalaki na tumalon sa dagat sa Lucena Port, Quezon nitong Linggo.
Sinabi ng PCG na ang Coast Guard Sub-Station-Lucena search and rescue team, sa koordinasyon ng Sea Marshal Unit ng Southern Tagalog, ay tumugon sa insidente nang matanggap ang ulat mula sa duty operations officer ng Starhorse Shipping Lines .
Ibinalik ng mga tauhan ng PCG ang lalaki sa pier at sinuri ang kanyang kondi-syon.
Ayon sa pamilya ng biktima, ang 50-anyos na residente ng Poblacion, Milagros, Masbate ay bumabiyahe kasama ang kanyang pa-mangkin sakay ng MV Virgen De Peñafrancia XII.
Umalis ang barko mula sa Bapor, Masbate Port ng Pebrero 1 at dumating sa Lucena Port kinabukasan.
Habang naghahanda sa pagbaba, tumalon ang lalaki sa dagat Sa report, dating may mental o sikolohikal na kondisyon ang biktima, ayon sa pamangkin nito.
Dumating ang anak ng biktima sa Philippine Ports Authority Port Police para kunin ang ama.
Pinayuhan ng PCG ang shipping line na magsagawa ng mas mahigpit na pagbabantay lalo na sa pagbaba ng mga pasahero.(Jocelyn Domenden)