Advertisers
NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa positibong resulta ng mga survey na nagpapakita ng pagtanggap ng publiko sa mga programa ng kanyang administrasyon.
Sa isang ambush interview sa Pasay City, sinabi ni PBBM na mabuti na nararamdaman ng mga tao ang kanilang ginagawa at nakakakuha ng positibong tugon mula sa publiko.
Dagdag pa niya, lalong tumitibay ang kanilang loob na pagbutihin pa ang kanilang trabaho.
Pinuri rin ni Pangulong Marcos Jr. ang mga bagong nagtapos mula sa Development Academy of the Philippines (DAP) na nakatakdang maglingkod sa pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pagpasok ng mga bagong bihasang lingkod-bayan para mapalakas ang operasyon ng pamahalaan.
Aniya, ang mga bagong nagtapos ay nagiging inspirasyon hindi lamang para sa mga opisyal ng gobyerno kundi pati na rin sa publiko. (Gilbert Perdez)