Advertisers
KUMPIYANSA ang defending champion Creamline na mapanateli ang kanilang immaculate rekord kapag nakalaban ang Cignal 6:30 p.m. sa Sabado sa the Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig.
Dinaig ng Cool Smashers ang Nxled Chameleons, 25-12, 25-21, 25-19 noong Enero 28 para makopo ang kanilang ikanim na tagumpay.
Bago ang Cignal, ang huling makakalaban ng Creamline sa preliminary round ay ang Chery Tiggo, Farm Fresh, PLDT, at Galeries Tower.
Sa pag alis ni skipper Ces Molina at middle blocker Riri Meneses, ang Cignal ay sumandal kina Vanie Gandler, Rose Doria-Aquino, Jackie Acuña, Judith Abil, Ishie Lalongisip, setter Gel Cayuna at libero Dawn Catindig.
Ang HD Spikers, na yumuko sa PLDT High Speed Hitters, 20-25, 21-125, 25-20, 22-25,nakaraang Sabado, ay sa third place na may 5 panalo at 2 talo. Samantala, ang Akari at Capital 1 ay magsasagupa alas 4 ng hapon.