Advertisers

Advertisers

Benepisyo para sa mga health workers isasama sa Bayanihan

0 266

Advertisers

Tinitiyak ng Malakanyang sa mga health workers na makakatanggap sa Bayanihan 2 ng mga benepisyo dahil sa kanilang ginagawang pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gagamitin para makatiyak na makatatanggap ng kaukulang benepisyo ang mga health worker.
Matatandaan aniya na agad inaksyunan ni Pangulong Duterte nang kaniyang malaman na hindi pa rin nakatatanggap ng benepisyo ang ilang pamilya ng mga health worker na nasawi dahil sa COVID-19 at mga nagkasakit dahil sa pagkahawa.
Dagdag pa niya may mga paraan para malaman kung nakasama sa Bayanihan 2 ang mga benepisyo ng mga health worker. (Vanz Fernandez)