Advertisers

Advertisers

PFP pinakamalakas na partido sa bansa – PBBM

0 19

Advertisers

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang PFP Leaders Convergence Summit, na ginanap sa Manila Hotel sa lungsod ng Maynila nitong January 31, 2025.

 

Nagtipon ang mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at may tema ang kanilang pagtitipon ng “Tugon at Aksyon sa Pag-unlad” o ang top 3 na sina Senator Francis Tolentino, former DILG Secretary Benhur Abalos, at Senator Manny Pacquiao.



 

Nagbigay ng guidlines si Pangulong Marcos para sa mga miyembro at kandidato para sa halalan sa Mayo 2025 para sa tapat na pamamahala.

 

Dinaluhan ang naturang aktibidad ng higit 1,300 mga party members kabilang ang mga kasalukuyang naghahangad na maging opisyal ng gobyerno mula sa Metro Manila, Region 4A, Region 3 at iba pang rehiyon.

 



Kabilang din sa mga dumalo sina Secretary-General at Vice Mayor Candidate Pablo “Chikee” Ocampo, at bilang kinatawan ng kanilang co-chairpersons na sina PRA Chairman Alexander T. Lopez at Vice Chairman Ramon “Raymond” S. Bagatsing Jr. III, na kasalukuyang tumatakbong alkalde ng Maynila.

 

Nagpahayag din si PFP National President Governor Reynaldo “Jun” Tamayo Jr., ng mga pananalita para sa mahalagang voter’s education.

 

Pinaalalahanan ni Gov. Tamayo ang mga kandidato sa kanilang mga plataporma de gobyerno na dapat nasa principle ito ng PFP, dahil dito tinitiyak na lalaganap ang pangarap ng pangulo kung saan nangunguna sa serbisyo ang kapakanan ng ating kababayan.

 

Matatandaan na noong nakaraang Setyembre idinaos ang National Assembly at National Convention kung saan inanunsiyo ni PBBM ang senatorial slate ng PFP.

 

Ayon kay Marcos, nagsama-sama sila nitong katapusan ng Enero, ilang araw bago magsimula ang campaign period para sa huling araw ng kanilang pagpupulong.

 

Sinabi pa ni Marcos na iisa ang naging hangarin ng mga miyembro at opisyal ng PFP para sa bansa na ang kanilang ipinaglalaban ang pagkakaisa.

 

“Sa bawat umupong opisyal may sariling dahilan at ang katangian ng lahat ng mga kandidato, at opisyal na pumasok sa ganitong klaseng trabaho upang tumulong sa taumbayan, upang tulungan ang kanilang constituency, upang tulungan ang bayan,” wika ng Pangulo.

 

“Hindi ang leadership ng PFP ang magsasabi sa inyo kung papaano patakbuhin ang kampanya ninyo. Mas alam ninyo iyan kaysa sa amin. Ngunit, ang kailangan malaman ng liderato ng PFP, kung ano pa ang aming maitutulong dahil ang partido, nandiyan upang tulungan ang lahat ng mga miyembro,” dagdag ni PBBM.

 

“Walang dapat matalo dito sa ating mga kandidato dahil ‘yan ang pinakamagagaling. Kaya’t let us take this opportunity to get together to solidify our plans for the future. At tingnan naman natin kung papaano ang pinakamainam at pinakamagandang gagawin para tayo magiging very effective dito sa eleksyon na ito.” mariing pahayag ni PBBM.

 

“Good luck sa inyong lahat. At asahan ninyo, the PFP is the strongest party in the country today,” pagwawakas ni Pangulong Marcos.