Advertisers

Advertisers

AI, CYBERCRIME HAMON SA LEGAL PROFESSION – PBBM

0 11

Advertisers

AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may mga matitinding hamon na kinakaharap ang bansa tulad ng cybercrime, data privacy, at ethical use ng artificial intelligence.



Sa kanyang talumpati sa 20th National Convention of Lawyers sa Cebu City, sinabi ni PBBM na hindi lamang teknikal kundi moral dilemmas ang dala ng mga isyung ito.

Binanggit naman ng Pangulo ang mahalagang tungkulin ng mga abogado na paunlarin ang konsepto ng environmental justice.

Aniya, ang climate crisis ay hindi na lamang isang abstract threat kundi isang konkretong banta sa hinaharap ng mga susunod na henerasyon.

Samantala, hinikayat niya ang mga law schools sa bansa na i-refine ang kanilang curricula upang isama ang emerging fields at matiyak ang seamless blend ng legal theory at real-world application.

Pinuri naman ng Presidente ang Revised Model Curriculum ng Basic Law Program bilang hakbang patungo rito.

Ibinahagi pa ng Pangulo ang pagpapatupad ng labing-apat na bagong batas para sa pagtatatag ng karagdagang first- at second-level courts.

Sa ganitong paraan, ayon kay Pangulong Marcos, ay mapapalapit ang hustisya sa mga mamamayan. (Gilbert Perdez)