Advertisers

Advertisers

PBBM: Oposisyon atat sa destabilisasyon

0 11

Advertisers

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bahagi ng estratehiya ng oposisyon ang pagkuwestiyon sa 2025 national budget upang matuloy ang planong destabilisasyon.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Cebu City nitong Huwebes, sinabi nitong ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para hamunin ang pagiging Constitutional ng 2025 GAA ay bahagi ng plano ng oposisyon upang matuloy ang kanilang destabilisasyon.

Sinabi ng Presidente na walang contingency ang gobyerno sakaling hindi pumabor sa administrasyon ang desisyon ng kataas-taasang hukuman na mangangahulugang magsasara lahat sa pamahalaan.



“No. We shut down everything. I guess that’s what they want , they want the government to seize working. So yung matuloy yung kanilang destabilization na ginagawa,” saad ng Pangulo.

Batay sa inihaing petisyon ng grupo ni Atty. Vic Rodriguez sa Kataas-Taasang Hukuman, iginiit ng mga ito ang umano’y blangkong line items sa 2025 GAA na itinanggi naman ng Palasyo.

Nanindigan si Pangulong Marcos Jr. na walang blangkong line items sa pinirmahan nitong 2025 GAA dahil ito ay labag sa batas.