Advertisers
PINAGALITAN at pinagsabihan ni Senator Raffy Tulfo ang anak na si Quezon City Representative Ralph Tulfo matapos na mahuli ng mga awtoridad na dumaan sa EDSA busway noong nakaraang linggo.
Ito’y matapos aminin ng senador na anak niya ang kongresistang nahuli ng mga awtoridad kamakailan na gumamit ng EDSA busway.
Ayon kay Tulfo, pinagalitan at pinangaralan niya ang kaniyang anak at inutusang humingi ito ng paumanhin sa lahat.
Sinabi pa ni Tulfo na wala siyang nakikitang problema sa nangyari lalo na kung hindi naman ito tumakas, nang-abuso at nagmura. Dagdag pa ng senador, inamin ng kaniyang anak na nagmamadali siya at ang driver nito ang nagdesisyon na pumasok sa busway.
Samantala pormal ng humingi ng paumanhin si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo matapos na mahuli ang kaniyang sasakyan na dumaan sa EDSA Busway sa ikalawang pagkakataon.
Inamin nito na naidaan ng kaniyang driver sa EDSA busway dahil sa pagmamadali.
Paglilinaw niya na hindi nila ginamit ang kaniyang posisyon para umiwas sa anumang pagbabayad ng penalty.
Hindi rin umano nito ginamit ang pangalan ng ama na si Senator Raffy Tulfo para makaiwas sa huli.
Binayaran na rin umano nito ang multa at sasailalim siya sa kaukulang seminars bilang bahagi ng penalty. Tiniyak nito na gagawin nito ang lahat para hindi na maulit pa ang insidente.
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.