Advertisers
- Ni ROMMEL PLACENTE
BININYAGAN na si Baby Sabino, ang unang baby ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ni-reshare ni Zanjoe ang ilang pictures kasama ang mga kinuhang ninong at ninang para sa kanilang anak.
Star-studded ang godparents, na kilalang malapit sa mag-asawa kabilang sina Kathryn Bernardo, Jane Oineza, Sam Sadhwani, Arjo Atayde, at Enchong Dee.
Mababasa sa caption ng post: “Blessed and loved beyond measure. Sabino’s ninangs [and ninongs] are here to guide and support him every step of the way.”
Dahil present si Kathryn bilang isa sa mga ninang, marami namang netizens ang naghanap sa bff ni Zanjoe na si Daniel Padilla. Bakit daw wala ito? Iniintriga tuloy na nag-iwasan sila ni Kathryn.
Bakit naman daw mangyayari ito tanong ng iba, gayung may mga tsika rin na sinusuyo pa rin ni Daniel ang ex, at magandang pagkakataon sana ito para magkasama at magkita sila.Pero bakit nga ba wala si Daniel sa okasyon?
Samantala, hanggang ngayon naman ay wala pang pa-face reveal sa panganay ng dalawa, Pero sa nakaraang interview namin sa lola ni Sabino na si Sylvia Sanchez ay kamukha raw ito ni Zanjoe, pero kakulay ni Arjo.
***
MARAMI ang nagulat sa biglang pagpayat ni Cassy Legaspi, anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. May mga nag-iisip na baka sumailalim daw ito ng surgery kaya ganun ka bigla ang kanyang pagpayat.
Ang hindi alam ng iba, matagal nang struggle ni Cassy ang magpapayat.
Ayon sa kanya, nahirapan daw siyang magpapayat matapos ma-diagnose ng hypothyroidism. Nakaapekto rin daw ito sa kaniyang over-all health.
Nakaramdam daw siya noon ng fatigue at sobrang paglalagas ng buhok. Palagi rin daw siyang nilalamig at may pakiramdam na nilalagnat.
Hindi raw niya ma-explain, pero lagi raw siyang may sakit, hanggang sa hindi na niya kayang mag-gym, mag-workout at hindi na raw siya madaldal.
At sino naman daw si Cassy kung hindi madaldal? Biro niya sa kanyang interview.
Ngunit dahil din naman dito, nagkaroon siya ng bagong mindset sa kanyang fitness journey.
Nakumbinsi na rin siya ng kanyang pamilya at kaibigan, na magpa-check up. Doon na raw siya nagsimulang mag-isip na ang dapat mindset niya, una maging healthy bago ang magpapayat. Sa ganung mindset, na-achieve niya ang kanyang goal at madali na lamang daw magpapayat at magpa sexy.
At yun naman ay na-achieve niya ng bonggang bongga.
“E this point, Cassandra, ‘wag ka nang magpapayat maging healthy ka muna. Pagkatapos ng healthy, doon ka na maging sexy. Parang ganoon, may abs at may muscles!” sabi pa niya.