Advertisers

Advertisers

Puno ng mga Pinoy ang Habachi Grill & Buffet sa Fairfield

0 19

Advertisers

  • Ni Oggie Medina

PAGKATAPOS naming magsimba sa Northgate ay tumuloy kami sa Habachi Grill & Buffet restaurant sa Gateway Blvd. sa Fairfield, California para mananghalian. Lumantad sa akin ang napakaraming Pinoy. May mga Pinoy celebrities daw na kumakain din dito.

Ang buffet dito ay nasa halagang US$24.99 para sa adult, US$18.99 para sa kids na edad 7-10, at US$13.99 para sa kids na edad 3-6. Sulit naman at busog na busog ka na, kahit di ka na maghapunan pa. Nakilala ko si Edna Arcebal (retired nurse) kasama ang kanyang anak, si Dale Navarro. Nakatira sila sa Vallejo kung saan kami ay tumira rati. Dumating din si Eleanor Kincaid, kapatid ni Edna.



Ang dami kong nalaman na mga kwento hinggil sa mga dating Pinoy celebrities o artista rito na ngayo’y namumuhay ng simple at tahimik na buhay.

Nakilala ko ang isang nagsisilbi sa amin na taga-Guatemala at akala ko ay Pinoy.

Tumuloy kami sa Kaiser Permanente para sa check-up at pagkatapos ay sa Red Ribbon sa Seafood City at nakita ko ang pinakahuling isyu ng Asian Journal Northern California edition. Tuwang-tuwa ako dahil ang istorya ko ay nasa front-page headline hinggil sa inagurasyon ni Pres. Donald Trump sa Capitol Rotunda sa Washington DC.

Kasunod noon ay pumunta kami sa isang beauty products store, ang Kohl’s Sephora na nasa Vallejo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">