Advertisers

Advertisers

Induction ng 2025 PMPC Star Awards, Inc. Officers isinagawa na!

0 10

Advertisers

IDINAOS na kamakalawa ng gabi, Enero 28, 2025, ang panunumpa o induction ng mga bagong opisyales ng PMPC Star Awards, Inc. sa Adriatico Arms Hotel sa J. Nakpil, Malate, Manila.

Pinangunahan ni Manila Mayoralty candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasama ang bise alkalde niya na si Chie Atienza, ang 2025 oathtaking ceromony na pinamumunuan ni Mell Navarro.

Ang iba pang bagong opisyal ng PMPC na nanumpa sa tungkulin ay sina Fernan de Guzman, vice president; Jimi Escala, Secretary; Mildred Bacud, Asst. Secretary; Boy Romero, Treasurer; John Fontanilla; Asst. Treasurer; Rodel Fernando, Auditor; Eric Borromeo, PRO for English; Blessie Cirera, PRO for Filipino.



Ang Board of Directors ay sina Roldan Castro, Rommel PLacente, Leony Garcia., Evelyn Diao, Francis Simeon at Rommel Gonzales.

Nagbigay ng pananalita at pagbati si Yorme sa mga nahalal na bagong opisyal ng PMPC kasabay ng pangako niyang pagsuporta sa mga adhikain ng samahan.

Gayundin, iginiit ni Yorme ang hangarin niyang matulungan ang PMPC sa pagsasagawa nito ng Star Awards for Movies, Music at Television. Kaya nga binanggit niya na nakahanda siya na gawing sentro ng mga awards night ang Metropolitan Theater sa lungsod ng Maynila.

Sa panahon ng panununungkulan ni Pangulong Mell, sisikapin anya nitong pataasin pa ang kalidad ng lokal na industriya para sa kapakinabangan ng lahat.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">