Advertisers

Advertisers

‘IMPEACH SARA’ – NGAYON NA

0 28

Advertisers

MAGSASAMA-SAMA bukas ang mga grupong bumubuo sa puwersang demokratiko ng bansa sa isang malaking rali upang isulong ang impeachment laban kay Misfit Sara. Dadaluhan ng mga grupo at mamamayan na sumasang-ayon sa agarang pagpapatalsik sa puwesto kay Misfit Sara. Kasama sa mga nangunguna sa kilusan kontra sa kanya at pamilya si Sonny Trillanes, dating senador at kasalukuyang tumatakbo bilang alkalde ng Caloocan City.

Maaaring hindi ito kasinlaki ng nakaraang rali ng pinagsamang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo at DDS sa Luneta ngunit hindi nangangahulugan na hindi ito maalab at magpursigi na itulak ang pagpapatalsik kay Misfit Sara na kasalukuyang nahaharap sa tatlong reklamong impeachment laban sa kanya. Isinusulong ng mga grupo ang agarang pagtalakay sa tatlong impeachment complaint ng tinanggap ng Camara de Representante.

Nais nila na dalhin ito sa Senado upang magkaroon ng paglilitis. Maaaring hindi ito malitis ng kasalukuyang Senado, ngunit walang batas na pumipigil sa na litisin ito sa bubuuing bagong Senado sa Hulyo. Tampok sa reklamo ang pagtanggi ni Misfit Sara na ipaliwanag kung saan napunta ang P612 milyon na ibinigay sa OVP at Deped bilang confidential fund nong 2022, 2023, at 2024.



Pinaniniwalaan na dinambong ni Misfit Sara ang malaking halaga dahil sa mga palpak na ebidensya na natuklasan ng mga nagsisiyasat na komite sa Camara. Inaasahan na sasama sa rali ang ga grupong relihiyoso ng Simbahang Catolico at mga denominasyon ng Grupong Christian at Protestante.

***

TAPOS na ang layout ng aking pangalawang aklat: “BUMPS Fifty Years of Dictatorship and Democracy in the Philippines (1972-2022).” Nadala sa imprenta ang aking aklat at inaasahan namin na lalabas ang mga sipi sa dakong katapusan ng Pebrero. Kung hindi sasablay ang plano, inaasahan namin ang book launch ilang araw pagkalabas ng mga nalimbag na mga sipi. Hindi pa namin alam ang saktong petsa ng paglulunsad sa aming aklat.

Tinalakay ng aming pangalawang aklat ang dalawang nagtutunggaliang tema ng karanasang pulitikal ng bansa: awtoryanismo, or diktadura, at demokrasya. Sa loob ng 50 taon, naglaban ang dalawang tema bagaman nanaig ang demokrasya. Ngunit hindi nangangahulugan na dapat tayong maging kampante.

May mga pagkakataon na nagpipilit na bumalik ang diktadura sa bansa. May mga pagkakataon na nilabanan ito ng puwersa ng demokrasya. Hindi ito nagtatagumpay at ito ang dahilan bakit nangingibabaw pa rin ang demokrasya sa bansa.



Sa Pebrero, uumpisahan ko na isulat ang aking pangatlong aklat. Hindi ko pa alam kung ano ang titulo, ngunit tatalakayin ko ang mga pagdinig sa imbestigasyon ng QuadCom tungkol sa mga pangunahing isyu ng bayan tulad ng ilegal na operasyon ng POGO, war on drugs ni Gongdi, at iba pa. Inaasahan ko na matatapos koi to sa Mayo o Hunyo.

***

BATAY sa mga pahayag ng Malakanyang at kahit si Bato dela Rosa, mukhang malapit-lapit na ang napipintong pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay Gongdi at mga kasapakat kaugnay na sakdal na crimes against humanity na isinampa laban sa kanila. Mukhang may mga inaayos na ilang isyu upang madaling madakip si Gongdi at mga kasabwat sa malawakang patayan kaugnay sa madugo pero palpak na digmaan kontra droga ni Gongdi.

Kasama sa mga isyu ang poder ng International Police na maaaring atasan ng ICC na dumakip kay Gongdi at kasindikato. Nilinaw na ng gobyerno ni BBM na hindi ito hadlang sa anumang gagawin ng pinagsanib na puwersa ng ICC at Interpol sa sandaling dakpin nila si Gongdi. Isa ito sa mga mahahalagang punto na kailangan maging ganap na malinaw upang hindi mabulilyaso ang anumang pagdakip kay Gongdi at mga kasapakat.

Inaasahan ang pagtutol ni Gongdi sa pagdakip ng ICC. Kasama dito ang pagdaraos ng kanilang bersyon ng people power sa Davao City kung saan naninirahan ang tila baliw na dating pangulo. Batay sa mga ulat, labis na kinakabahan sina Gongdi dahil hindi niya alam kung ano ang endgame ng sakdal na sumulong sa yugto ng “formal investigation”ng ICC. Umano umano sa 30,000 katao ang pinuksa ng mapaminsalang war on drugs ni Gongdi.

Batay sa mga pahayag, labis na kinakabahan si Bato dahil ang pagdakip sa kanya ang magwawakas sa kanyang political career. Hindi siya sa Senado babalik kundi sa kalaboso ng ICC siya mapupunta. Nerbiyoso si Bato at magaling lang siya sa mga taong mahihina at walang lakas upang lumaban sa abuso at pang-aapi.

***

MGA PILING SALITA: “Beg to disagree to James Jimenez’s claim Comelec is clean. On the contrary, Comelec, as an institution, cheats. History proves it.” – PL, netizen, kritiko

“ Mahirap sa Inferior Davao manggaling ang oposisyon. Sila-sila pa rin? Hindi katanggap-tanggap. Pamumunuan tayo ng mga Neanderthal?” – PL, netizen, kritiko

“Malinaw ang mensahe ng ating mga kababayan. Hindi nila tatanggapin ang mga kandidato na pumapanig sa China. Ang eleksyon ngayong Mayo ay pagkakataon nating ipakita na hindi natin ibebenta ang ating soberanya.” – Kin. Jefferson Khonghun