Advertisers

Advertisers

‘DI PINAG-ISIPANG TUNTUNIN NG CHED

0 2,354

Advertisers

Naipit ang libo-libong nagtapos ng kolehiyo na ibig kumuha ng lisensya upang matawag na propesyonal sa tinapos na kurso. Sa paggigiit ng Commission on Higher Education (CHED) na kailangan na kumuha ng Certificate of Program Compliance (COPC) ang mga Pamantasan at o Kolehiyo (pribado o pampubliko), bilang isa sa pangunahing dokumento na kailangan upang makakuha ng pagsusulit sa lisensyang ibig. Sa layon maihanay ang tala sa reporma ng edukasyon, sa K-12 at mga kurso sa kolehiyo. Maganda ang layon ng reporma sa edukasyon ngunit hilaw at ‘di tugma sa kagalingan ng mga batang ibig maging propesyunal sa kursong tinapos mula sa mga Pamantasan sa bansa. Sa inilabas na tuntunin, tila isyu ng mga institusyon subalit ang tama’y sa mga nagtapos na nangangarap na maging ganap na propesyonal sa larangang ibig o kursong tinapos.

Sa paglalabas ng tuntunin ng CHED mabigat ang dating hindi sa mga institusyon na dapat maglabas ng sertipikong hinahanap higit na mabigat sa mga batang umaasa na makakuha ng pagsusulit at lisensya sa tinapos na kurso. Hindi tuwiran na makukuha ang ibig na pangarap dahil isang pagsusuri ang susuungin, subalit ang makahakbang ng pasulong sa aga ng buhay bilang propesyonal ang tinamaan. Ang kahinaan ng mga pamantasan na dapat na humarap sa usapin ng COPC ang pasanin ng mga bata na sa halip na humakbang tungo sa susunod na antas ng buhay ay tila binabansot ng kautusang banggit. Ang tanong, saan nagsisimula ang mandato ng PRC at saan nagtatapos ang mandato ng walang pusong CHED na hindi nagdalawang isip na ipatuloy ang kautusan sa likod ng may tangang diploma ang mga kukuha ng pagsusulit. Para saan at kaninong kapritso ang kautusang banggit?

Hindi simple ang usapin dahil sa isang pagkakataon sa kaagahan ng taon, maraming mga nagtapos sa kursong Edukasyon ang ‘di nakakuha ng pagsusulit dahil sa usapin ng COPC na kailangang ipasa sa PRC upang mabigyan permiso sa pagsusulit. Dahil sa kautusan, libo- libong nagtapos sa bangit na kurso ang ngayo’y naka tenga sa dahilan na ‘di pinahihintulutan sa pagsusulit. Maraming nagtapos ng Edukasyon na ‘di makapag sulit, hayun umasa na tataas ang bilang ng mga walang hanap buhay sa bansa. Ang mga inaasahang makakatulong na bata sa pamilya’y napasama sa pasanin ng mga magulang na pagal na sa paghahanap buhay at sa Lipunan na walang malasakit.



Sa kabilang banda, sa kawalan ng malawak na pananaw ang pamunuan ng CHED maging ng mga pamantasan, maraming mga nagtapos ang isantabi ang pangarap na sa halip na nasa “review center” at nagsusunog ng kilay upang masiguro ang kahandaan sa pagsusulit na haharapin. Sa pagsasaliksik, napag-alaman na maraming mga nagtapos mula sa lalawigan na malayo sa kaMaynilaan ang nagtungo sa Maynila upang mag-aral at maghanda sa pagsusulit na haharapin. Gumastos ang mga magulang na inutang sa usurero na pantustos upang pag-aralin ang mga anak sa pagsusulit na haharapin. Alam ba ng hepe ng CHED na marami sa mga bata ang umuwing luhaan dahil hindi nakakuha ng kaukulang permiso sa nalalapit na gagawing pagsusulit mula sa PRC dahil sa COPC na nabanggit.

Marami sa mga batang banggit ang tumigil na sa pagpasok sa mga Review Center sa kaMaynilaan at umuwi sa lalawigan dahil hindi pinahintulutan ng PRC na makakuha ng kaukulang permiso sa pagsusulit. PRC baka nais isulong ang kagalingan ng papasok na propesyonal sa bansa. O’ batid ba ni Popoy ang bayarin na haharapin ng mga magulang sa ‘di matutuloy na pagsusulit dahil sa COPC na ‘di kasalan ng mga batang nagsipagtapos.

Sa kabilang banda, napansin sa mga nagbalik aral ang nagbenta ng gamit upang may pamasahe pabalik sa bayan na pinanggalingan. Bagsak ang mga tuka dahil ang kinabukasan ang isantabi na sana’y ginawan ng paraan ng CHED, pamantasan at PRC upang makakuha ng pagsusulit ang mga bata. Ang kawalan ng puso o pagiging matigas ng mga namumuno sa pamahalaan ang tuwinang balakid sa kaunlaran ng mga Pinoy higit ng Kabataan.

Sa totoo lang, hindi makitaan sa kapayakan sa pagpapasya ang mga opisyal ng pamahalaan na bayan ang nagpapasahod. Sa narating sa buhay, nakalimutan ang pinagmulan na dapat na sandigan sa mga pagpapasyang gagawin. Ang pagsasara ng isip sa ibig ang karaniwang dahilan kung bakit hindi kumikilos pataas ang kabuhayan ng mamamayan. Walang hindi gagawin na kayang ituro ng daliri kahit may kabigatan sa nakakarami. Ang kautusang hindi nababali’y sa mga hari at ‘di sa mga naghahari-harian mula sa pamahalaan na pinapasahod ni Mang Juan. Ibalik ang mga tinustusan ng mga batang nagbalikan mula sa mga review center tungo sa mga lalawigan dahil sa hindi na isumite ang pangangailangan na ibig ng isang tanggapan ng pamahalaan ang malinaw ng kawalan ng malasakit sa kabuhayan ng tao sa laylayan.

Panahon na upang magbukas ng isip ang puno ng CHED, ang mga pamantasan at humakbang sa kagalingan ng bagong propesyonal. Sa PRC, ipatupad ang mandato na nakaatang sa tanggapan ng ‘di panghimasukan ng tagalabas ang tungkulin ayon sa batas. Ang pag-usapan ang makakabuti sa mga papasok na propesyonal na malaki ang iaambag sa kabuhayan ng bansa’y gawin para sa kabutihan ng bansa. Sa pagbaba ng bilang ng mga pagsusulit na maging propesyonal, kailangan harapin ‘di lang ng CHED maging ng Bantay ng Bayan sa Malacanan (BBM) dahil nakasalang ang kabuhayan ng bayan at mamamayan. Sa kawalan ng puso ng hepe ng CHED na gamit na dahilan ang reporma sa edukasyon, nagbalik hakbang sa halip na pasulong. Mainam na palitan ang hepe ng CHED na galing sa dating pamahalaan ang unang hakbang pasulong ang gawin. Ang pagpapaliban ng COPC sa mga pagsusulit ang ikalawang hakbang at magbuo ng simpleng pangangailangan ang hingin sa mga pamantasan o sa mga pagsusulit.



Huwag alisin sa isipan na may mga bata o tao na ‘di kailangan ng pormal na edukasyon ang may kakaibang kakayahan na ‘di masusukat ng pagsusulit. Huwag alisin sa isipan na minsan ng ipinakita ng dating Sen. Diokno ng pumasa sa pagsusulit na ‘di pumasok sa isang pormal na pag-aaral. At sa mga grupo ng propesyonal sa iba’t ibang larangan bakit ‘di magtayo ng malaking grupo na kakatawan sa mga bagong kukuha ng pagsusulit na huwag nang padaanin sa PRC ang pagbibigay lisensya tulad ng mga abogado.

Napapanahon na lumabas sa kasalukuyang kaayusan ng mapabilis ang pag-angat ng propesyong kinakatawan ng di matali sa mga burukrasya ng pamahalaan. Hinog na ang panahon na ipakita sa mundo na kayang panindigan ng mga propesyonal na Pinoy sa labas ng patakaran ng pamahalaan. Sa kawalan ng puso ng mga tao sa pamahalaan higit ang CHED panahon ng ipakita ang lakas ng pagkakaisa ng mga propesyunal higit sa ‘di pinag-isipang tuntunin ng CHED.

Maraming Salamat po!!!!