Advertisers

Advertisers

Babaeng nagpa-gluta drip naimpeksyon ang mata

0 14

Advertisers

SINISI ng isang babae sa glutathione drip session ang pagkaimpeksiyon ng kanyang kanang mata, na hindi maidilat.



Sa viral video, humingi ng dasal ang babaeng kinilalang si Jelly Macha sa pag-asang maiwasan ang permanenteng pagkawala ng paningin niya pagkatapos sumailalim sa treatment.

“Nagkaroon ako ng infection sa aking gluta drip session. Hindi marunong ‘yung nurse na nagturo sa akin. Una siyang nagturo sa akin dito [kanang kamay], sinagad niya ‘yung pinaka-needle and pumutok agad ugat ko. Nag-try ulit rito [kaliwang kamay] and then pumutok uli,” anang babae.

Dalawang araw pagkatapos ng kanyang sesyon, nakaramdam si Jelly ng sobrang sakit kaya kinailangan niyang magpaospital. Suka rin daw siya nang suka.

Sinabi raw sa kanya ng ophthalmologist na nagkaroon siya ng sakit at naapektuhan ang ugat sa kanyang mata.

Nagbabala si Philippine Dermatological Society President, Dr. Maria Jasmin Jamora, sa publiko tungkol sa panganib ng intravenous o IV glutathione, lalo na kapag ginamit para sa pagpapaputi ng balat.

Aniya, hindi ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

“Ang Philippine Dermatological Society ay nagpapaalala sa publiko na ang IV glutathione ay hindi inaprubahan ng FDA para sa pagpapaputi ng balat at nanawagan sa publiko na pumunta sa mga reputable skin clinic para sa kanilang mga problema sa kalusugan ng balat,” aniya sa pahayag.