Advertisers

Advertisers

Barko nasunog sa Navotas: 2 Welder patay

0 10

Advertisers

Patay ang dalawang lalaking welder nang ma-trap sa isang nasunog na storage room ng kinukumpuning barko sa Tawiran Tres, Brgy. Daanghari, Navotas City, nitong Lunes ng gabi, Enero 27, 2025.



Kinilala ang mga nasawi na sina Junel Boncodin y Castillo, 23, welder, ng Market 3, Brgy. NBBN; at Roberto Dondan y Peligro, 21, welder, ng lungsod.

Ayon sa Navotas BFP, nangyari ang sunog 9:22 ng gabi at itinaas sa unang alarma. Ilang minuto ang nakalipas ay naapula ang sunog at natagpuan na lamang na walang buhay ang dalawang biktima na magkatabi sa loob ng barko.

Ayon sa BFP, sa bandang ibaba ng barko ang pinagmulan ng apoy sa may storage room.

Pahirapan ang pag- apula sa apoy dahil sa kapal ng usok na naging dahilan ng pagkamatay ng dalawang biktima na na-suffocate.

Gumamit na ng breathing apparatus para mapasok ng mga bumbero ang ilalim ng barko sa liit ng lagusan sa bandang ilalim ng barko at malalayo ang mga pinto.

Sa 20 tao na nagwe-welding sa iba’t- ibang bahagi ng barko, wala namang nasaktan.

Iniimbestigahan na kung may paglabag sa fire code ang kinukumpuning barko na Majestic Shipping Corporation, MV Amansinaya Passager Ship na pag- aari ng isang Jerwin Crisostomo.(Beth Samson)