Advertisers
NAGSANIB puwersa sina NBA veteran DeMarcus Cousins at Ange Kouame upang tulungan ang Strong Group Athletics na itatag ang 85-78 wagi laban sa Beirut at manateling perpek sa Group A ng 34th Dubai International Basketball Championship Martes ng umaga (Manila time) sa Al Nasr Club sa United Arab Emirates.
Nagpasabog si Cousins ng 26 points,tampok ang apat na triples at 12 rebounds.
Habang si Kouame nagdagdag ng 14 at eight rebounds.
Lubog sa two points bago matapos ang opening quarter, SGA ay naglunsad ng 16-2 blast sa pamamagitan ng four-point play ni Chris McCullough para maagaw ang 27-15 lead sa kalagitnaan ng second period.
Dave Ildefonso nagdagdag ng 12 points para sa Strong Group.Williams bumakas ng eight points,three rebounds at five assists.
McCullough, na pumasok sa game may average na 29.5 points, nagtapos ng anim sa 1-of-7 shooting habang nagdagdag ng seven rebounds matapos magkamit ng foul triuble.
Sergio El-Darwich pinamunuan ang opensa ng Beirut First sa iniskor na 26 points on 10-of-17 shooting, two rebounds at one assists,at three steals,habang si Haidar nagdagdag ng 18.
Beirut First ay may 3 reinforcements ang dating blackwater import import Ricky Ledo, Kenneth Kadji at Tony Farmer nagsamasama para umiskor ng 19 points on 5-of-23 shooting.
Puntirya ng SGA na walisin ang group phase sa Huwebes laban sa Amman United.