Advertisers
SINUSPINDE ng Miami Heat si Jimmy Butler ng walang hanggan Lunes (Martes sa Manila)matapos ang mag walkout ang disgruntled forward sa praktis sesyon.
“The Miami Heat are suspending Jimmy Butler without pay effective immediately for an indefinite period to last no fewer than five games,” Wika ng Heat sa statement na nakapaskil sa X.
“The suspension is due to a continued pattern of disregard of team rules, engaging in conduct detrimental to the team and intentionally withholding services.
“This includes walking out of practice earlier today.”
Ito ang pangatlong beses ngayon buwan na sinuspendi ng Heat ang 35-year-old Butler, na inaasahan na bumalik Lunes mula sa two-game ban nawala sa team flight.
Dati na siyang na suspendi ng seven games dahil sa “multiple instances of conduct detrimental to the team”.
Sa 15 taon na kampanya ni Butler sa NBA, lumiyab siya sa 2020 NBA finals, kung saan natalo sila sa Los Angeles lakers,at ang 2023 finals, kung saan nabigo sila sa denver.
Pero bago ang kanyang first suspension, Butler ay nagpahiwatig na gusto niya ng trade. Sinabi ng Heat na maghihintay sila ng offers mula sa ibang teams para sa six-time All-Star.
Ang minimum five-game suspension na inunsyo nitong Lunes ay tatakbo sa pamamagitan ng NBA’s mid-season trade deadline sa Pebrero 6.