Advertisers

Advertisers

Barbie pumalag sa akusasyong rason ng hiwalayang Richard-Sarah; Tyang Amy may mensahe sa pagpanaw ni Tita Gloria

0 14

Advertisers

Ni Beth Gelena

HINDI na nakatiis si Barbie Imperial sa akusasyong siya ang third party sa hiwalayan ng dating mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Siya ang sinisisi ng mga netizens kung bakit naghiwalay ang mga ito.



Pumalag na ang aktres sa akusasyong binabato sa kanya.

Sinagot niya ang isang netizen na siya’y third party sa isang relasyon.

Komento ng netizen sa kanyang IG account, “Anong klaseng babae ka? Hindi ko matanggap. Pinaka ayoko sa lahat is yung third party. Kahit saan mo tingnan, hindi pa annulled yung mag-asawa pero andyan ka na.”

Matapang niyang niresbakan ang commenter.

“Anong third party pinagsasabi mo?” Ipinagtanggol niya ang sarili laban sa mapanirang komento.



Tinanong pa niya kung saan nagmula ang akusasyon at iginiit na wala itong katotohanan Matatandaang nilinaw na ni Richard na nagkakilala sila ni Imperial matapos ang paghihiwalay nila ni Sarah.

Sey ng aktor, “Hindi siya third party, hindi nag-overlap.”

Katunayan, patuloy ang proseso ng annulment ng estranged celebrity couple.

May dalawa silang anak, sina Zion at Kai kung saan co-parenting sila sa mga bata.

Sa kabila ng kontrobersiya, nananatiling tahimik ang aktres sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngunit malinaw ang kanyang paninindigan na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng mag-asawa.

***

IRINGAN NINA
DAWN AT CHIE
HINDI PA TAPOS

LALO yatang lumalala ang patutsadahan ng dalawang former dancer ng It’s Showtime na sina Dawn Chang at Chie Filemeno.

Muling nabuksan ang isyu sa dalawa nang mainterbyu ang una sa Men’s Room podcast nina Stanley Chi at Anjo Yllana kung saan guest si Dawn.

Natanong ang aktres/dancer kung kanino ba siya may isyu.

Sinagot niya ang tanong kung saan may past isyu raw sila ng isang showbiz personality.

Dati silang magkasama sa Girl Trends group, ang dancers ng It’s Showtime.

Ang sagot niya sa dalawang host ng Men’s Room, “Etong si girl, nagrerehearse kami ng dance, inagawan ba naman ako ng position sa steps, tapos inaway ako. Nagpa-interview pa, ako daw nang away.”

Hindi pinangalanan ni Dawn kung sino ang tinutukoy, kaya ang tanong ni Anjo, “Si Cristy Fermin ba yan?”

“Hindi no, pero ka-initials niya haha, at meron na siyang sinabunutan dati.”

Hindi man niya sinabi kung sino, pero ang initial na CF ay umaayon sa kanyang kasamahan sa grupo na si Chie Filomeno.

Pumalag si Chie kung saan sinabihan niyang itikom na nito ang kanyang bibig.

Ayon kay Chie, may past issue nga raw sila ni Dawn dati, pero naayos na raw iyun maging ang issue na involved din ang kanilang member na si Erin Ocampo.

Pero, mukhang hindi pa resolved ang iringan ng dalawang dancer. May unbothered post si Dawn na shinare after Chie called her out due to their revived past issue.

***

IBINAHAGI ni Amy Perez ang nakakaantig na video nila ni Ms Gloria Romero sa kanyang Instagram.

Ang kuhang video ay taken from a formal event.

Makikitang mahigpit ang yakap ni Tyang Amy sa late veteran actress

Matagal na nagkatrabaho ang veteran actress at Tyang Amy sa isang longest running TV sitcom na nagtagal ng

12 years.

Ang caption ni Amy, “Mommy, I will miss you. ?? ?? Thank you for everything. ?????? Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ. ?? Love you forever.”

Maging si Ms. Charo Santos ng ABS-CBN exec ay nagbigay din ng tribute sa beteranang aktres.

“Tita Glo had this remarkable way of making everyone around her feel valued and respected,” ani Ms Charo.

Na-mesmerize ang aktres nung bago pa lang siya sa showbiz dahil sa elegant beauty ng late actress.