Advertisers
‘NOT GUILTY’ plea ang inihain ng abogado ng mga akusadong pulis sa 990 kilos shabu sa arraignment nitong Lunes ng umaga, Enero 27.
Dahil dito, itinakda ng Manila Regional Trial Court (MRTC) Branch 175 sa Pebrero 14 ang pre-trial para sa kasong paglabag sa RA 9165 laban sa 29 pulis.
Kaugnay ito sa narekober na 990 kilo ng shabu sa isang gusali sa Tondo, Maynila noong 2022.
Bagama’t tumangging magbigay ng plea ang kampo ni Master Sgt Rodolfo Mayo Jr., dahil sa nakabinbin nilang motion to quash sa paglilitis, ang abogado na ang naghain ng ‘not guilty plea’ para sa kanya.
Hindi sumipot ang mga abogado ng ilan sa mga akusado na nakalalaya parin kasama na si Lt. Col Glenn Gonzalez.
Samantala, tinalakay din ng korte ang kanya kanyang hiling ng mga akusado sa kanilang detention, kung ililipat ba sa PNP Custodial Center.
Kasama rin dito si Patrolman James Osalvo, na hiniling mailipat sa PNP General Hospital at mabantayan ng isang kamag-anak.
Dahil ito sa kondisyong medikal ng pulis na nasangkot sa aksidente at nasa kustodiya ngayon ng Custodial Center sa Kampo Crame.(Jocelyn Domenden)