Advertisers
PINAYAGAN ng korte ng Muntinlupa ang pagpapalabas ng kontrobersyal na “The Rapists of Pepsi Paloma” ng direktor na si Darryl Ray Spyke B. Yap, napag-alaman sa ulat
Sa desisyong pirmado ni Presiding Judge Liezel Aquiatan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 partially granted ang petisyon ng actor/ comedian na si Vic Sotto para sa Writ of Habeas Data laban sa nasabing pelikula.
Ngunit sa kaparehong desisyon, bagamat pinabubura ang 26 -second teaser video ng pelikula sa online platforms, social media at sa lahat ng medium kung saan ito mapapanood ay pinayagan naman ng korte ang pagpapalabas ng buong pelikula.
Hindi naman inilabas pa ng korte ang dahilan bakit ipinapatanggal ang naturang video maliban sa malinaw umanong paggamit ng mga datos na hindi maberipika ang pinagmulan.
Nilinaw din ng korte na hindi naman nito maaring pigilan ang pagpapalabas ng naturang pelikula dahil ito ay base sa buhay ni Paloma kung saan nakuha ng respondent ang pahintulot ng nanay at kapatid nito at nagmula rin sa public records gaya ng newspaper clippings, footages na protektado naman ng artistic freedom at public interest.
Matatandaan na noong Enero 9,2025 ay nagsampa si Sotto ng 19 counts ng cyberlibel laban kay Yap at nagpetisyon sa korte na ipatigil ang pagpapalabas ng ‘teaser video’ kung saan ay tahasang sinasabi umano na ang aktor ang gumasa kay Paloma. (JOJO SADIWA)