Advertisers

Advertisers

TRADITIONAL SPORTS SIKARAN BELT PROMOTION NG GSF RAVEN SIKARAN TANAY

0 7

Advertisers

NAGDAOS ng Belt Promotion ang GSF Raven Sikaran Tanay nitong weekend, araw ng Linggo (1-26-2025) sa Tanay Sikaran Gym sa bayang ng Tanay ,lalawigan ng Rizal.

Ang naturang Belt promo ay isinasagawa tuwing ika-tatlo hanggang ika-apat na bùwan para i-angat ang mga rango ng mga kwalipikadong mga estudyante ng Sikaran na may mga requirements tulad ng( Attendance,tournament at makabisado ang mga sayaw o Sikaran form). Ginagawa ito para malaman ng namumuno o instructor kung meron natutunan ang mga estudyante nya at handa na sa mga advance technique.

Ang Belt Promotion ay isinagawa ng mga senior blackbelt ng Sikaran, pinamumunuan ni Master Manuel Banaag- 8th Degree Blackbelt, Master Chamberlain Mendoza- 6th Degree Blackbelt, Master Estrelita Consibido- 6th Degree Blackbelt,Senior Instructor Sanny Celestino -5th Degree Blackbelt at Sr. Instructor Elissa Pangilinan katuwang ang mga junior Blackbelt, Instructor Ricardo Bautista, Instr. Sannoel Celestino at Training Instructor Tyron Reyes na may basbas ni Master Crisanto Cuevas at appru bado ni GM Hari Osias Catolos. Banaag .



Ang Sikaran sa Tanay ay patuloy na maglilingkod sa mga kabataang taga- tanay at nag hahanda na sa mga bagong programa sa taong 2025.

Ang larong sikaran ay pinalawig pa sa buong kapuluan sa patatatag ng mga club ng naturang traditional martial arts partikular sa grassroot. (Danny Simon)