Advertisers
Tama si Anthony Davis na dapat na sentro ang piliting hanapin ng Lakers bago ang trade deadline sa Feb 6.
Batid na batid ni AD na ito ang dapat prayoridad na pagsikapan ni GM Rob Pelinka dahil ito mismo ang puwesto niya sa koponan. Yan ay kahit ayaw niya ito kung siya masusunod. Mas gusto niya ang power forward na posisyon. Mahirap talaga maging 5 ng team. Kailangan mahusay ka sa depensa dahil ikaw ang last line sa ilalim. Kung hindi mo ma-block ang nag-drive to the basket ay at least ma-alter mo ang tira. Tapos ikaw pa aasahan maka-rebound.
Sa opensa naman kailangan ka makapagbigay ng mga matitinding pick at pasa rin sa libreng kakampi. Bukod diyan kailangan may shooting ka rin sa loob at labas ng shaded lane. Sa panahon ngayon marami sa big man ay may mga tres na rin.
Si Davis sa LA ay nagagawa lahat yan ng buong galing. Ang problema ay kapag pinagpahinga siya ni Coach JJ Reddick ay ni wala sa kalahati ng efficiency niya. ang ka-sub.
Siya kasi monster na sa defense ay lider pa sa offense.
“ I am at my best when I play 4 alongside a strong 5,” sabi ni LeBrow.
Korek naman siya dahil noong nagwagi sila ng titulo taong 2020 ay may Javale McGee at Dwight Howard sila sa purple and gold.
Yung career best niya sa scoring ay naganap naman sa New Orleans noong season 2017-18.
May 28.1 / game average siya sa scoring kasama ang 6’10 na DeMarcus Cousins.
Ilan sa prospect ni Pelinka ay sina Jonas Valinciunas ng Washington at Walker Kessler ng Utah. Swak yung dalawa bilang kahalili ni Davis.
Rebuilding stage pareho ang Wizards at Jazz kaya maaaring pakawalan mga nabanggit kaso sa mabigat na kondisyon.
Mukhang malaki hinhingi kay Pelinka gaya ng first round pick at isang Rui Hachimura o Austin Reaves na ayaw ipamigay ng Lakers. management.
Kulang dalawang linggo na lang bago ang huling araw ng trading. Tingnan natin sino ang unang kukurap. Yun bang buyer o ang seller?
Abangan!
***
Alam nyo bang dating beauty queen ang ating pambato sa Jujitsu na si Kimberly Anne Custodio?
Opo ang tubong iloilo ay siyang Miss Dinagyang taong. 2004.
Binansagan din siyang Ambar Queen dahil 90% na kanyang mga panalo ay natapos sa pamamagitan ng arm bar submission.
Lumalaban si Kimberly Anne sa category ng 45 kg adult female at may win rate siya na 62.96%.
Ito ay sa 243 points scored/168 na points against. Datos yan mula sa Ju-Jitsu International Federation (JJIF)
Espesyal na bisita natin ang Pinay na kampeon kahapon sa OKS@DWBL na hatid sa atin ng Biofresh anti-microbial socks at underwears.