Advertisers

Advertisers

KASOSYO NGA BA SI VICE MAYOR SA MGA ILIGAL NA PASUGALAN SA MANGALDAN, PANGASINAN?

0 37

Advertisers

Paanong nabuksan muli ang sugalan sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan?

Matagal nang naging reklamo ng mga taga-Mangaldan ang magdamagang sugalan sa kanilang lugar, maraming mag asawa ang halos maghiwalay na dahil dito, maging ang mga estudyante ay nalululong sa bisyong ito.

Muling nagreklamo ang ilang mga ilaw ng tahanan sa pagbabalik ng mga sugalang ito sa pag- aakalang binuksan lamang para makapagbigay ng konting kasiyahan sa dumaan na Kapaskuhan.



Mga pergalan na perya ang front pero sugalan na color gamesat dropball ang loob.

Halos 24-oras ang operasyon ng mga sugalan sa bayang ito.

Ayon sa ating source, mga nagpapakilalang payola collectors ni Regional Director PBGen.Lou Evangelista na sina Castro, De Vera, at Ponga ang mismong kumakausap sa mga hepe para mapabuksan ang sugalan sa mga bayan sa probinsiya ng Pangasinan.

Mga organic na pulis at di naman kataasan ang rango ang nag-uutos para mapabuksan ang mga ilegal na sugal sa isang opisyal na hepe ng bayan?

Ganun?



Dahil ba sa basbas ito mula sa itaas na sinabi o dahil sa quotang sinasabi mula sa National?

Mukhang may something sa CIDG National, alam din kaya ni PNP Chief Gen. Marbil ito?

Back to sugalan sa Mangaldan na ang dating nag-iisang sugalan sa bayan ngayon ay 5 na, nadagdagan pa ng mga bara-barangay.

Mukhang may malaking hinahabol si Gen. Evangelista na kita este na quota ahh.?

Hindi lang sa pag-aaway ng mag-asawa ang idinudulot ng mga sugalang ito kundi maging sa mga mismong mananaya na nagkakaroon pa ng agawan sa nanalong taya.

Kaya bang ipatigil ni ito ng hepe ng Mangaldan PNP na si PLTCOL. Roldan Cabatan, or kailangan pa nating iparating sa butihing Mayor Bona Fe Parayno ang problemang ito?

Pinagmamalaki kasi ng mga may ari ng mga sugalan na kasosyo nila umano ang isang vice mayor sa kanilang mga sugalan.

Aabangan natin kung may aksyon na gagawin tungkol sa reklamong ito.

Sa susunod ay tutukuyin na natin kung sinong Vice Mayor ang tinutukoy na kasosyo at patong sa katarantaduhang ito.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com