Advertisers

Advertisers

National council hiniling buuin para masugpo ang smuggling, hoarding at profiteering

0 14

Advertisers

Nanawagan ang mga magsasaka partikular na ang grupo ng AGAP Partylist kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na tutukan ang usapin hinggil sa presyo ng bigas at pinabubuo ang mga ahenisya ng pamahalaan na ng national council para tuluyan masugpo ang smuggling, hoarding at profiteering.

Ayon kay AGAP Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones, na hindi umano ramdam ng publiko ang pagbaba ng presyo ng lokal na bigas sa bansa, kung saan ang presyo ng imported na bigas lamang ang bumaba sa kabila ng mga hakbang ng gobyerno ukol sa nasabing isyu.

Nakausap na ni Briones ang mga dapat bumuo ng council na kinabibilangan ng DTI, NEDA, DOF at DA pero hanggang ngayon wala pa rin ginagawa ang mga ito.



Nagtataka rin ang mga magsasaka kung bakit hindi pa bumaba ang presyo ng local rice kahit na bumaba na ang taripa at bumaba na rin ang presyo nito sa world market.

Aniya, dapat matutukan ito ng husto dahil mayroon mga nanamantala at nakikinabang ng husto sa pagpupuslit ng bigas.

Sinabi pa ni AGAP Rep. na kailangan ng maparusahan ang mga hinihinalang cartel at rice manipulators sa bansa.

Matatandaang naharang kamakailan ang Bureau of Customs (BOC) ang pagpasok ng 21 containers ng smuggled frozen mackerel galing China sa Manila International Container Port (MICP) at sinampahan ng kaso ang kompanyang nagparating nito.

Sinabi ni Cong. Briones na nararapat lamang maparusahan ang may-ari nito at pasok ito sa batas na Anti-Economic Sabotage Act, kung saan si Briones ang pangunahing may akda, at ang parusa sa mga sa mga cartel, hoarder at profiteering ay non-bailable at lifetime imprisonment.



Sinampahan na ng kaso ang may-ari ng nagpuslit ng frozen mackerel na Pacific Sealand Foods Corporation, subali’t sa mga isinasagawang pandinig hindi dumadalo ito at inaakalang nagtatago na ang sinasabing may-ari na mag-asawang Tianding Cai, director; at Maria Theresa Cai, President, kaya hiniling na maglabas ng hold departure order para hindi makalabas ng bansa ang mga suspek.

Dagdag pa ni AGAP Rep. Briones, na mahalaga na maitatag ang konseho dahil sila ang maglalatag ng polisiya at bubuo ng enforcement group para mahuli, makasuhan at mapanagot ang mga smugglers, hoarders at profiters.