Advertisers
TILA nangatog si Senador “Bato” Dela Rosa sa pagbukas ng pinto ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa ‘Crimes Against Humanity’ laban kay dating Pangulo “Digong” Duterte at sa ilan niya niyang dating opisyal kasama na si Bato na dating Chief PNP at isa sa mga utak ng “Tokhang” kaugnay ng war on drugs kungsaan higit 20,000 ang nasawi, ayon sa human rights groups.
Say ni Bato, ang kabiguan ng pangulo (PBBM) na protektahan ang mamamayan at pagpayag sa foreign authorities katulad ng ICC at Interpol at lumabag sa soberanya ng bansa ay isang impeachable offense.
Ang statement na ito ni Bato ay nang tanungin kung naniniwala siya na protektahan siya ng gobierno sa gitna ng pag-iimbestiga ng ICC sa madugong war on drugs na nangyari noong siya ang Chief PNP na itinalaga ni noo’y President Rody Duterte.
“Well, it is the duty of the government to protect its citizens. Duty ng gobyerno ‘yan. At kapag iyan ay pababayaan ng ating gobyerno, particularly ng chief executive – that is impeachable offense,” diin ni Bato sa panayam ng media.
“Hinayaan nalang niya na lapastanganin ang ating soberanya ng ibang entity like Interpol or ICC. Kung hayaan niya na hindi niya dipensahan ang kanyang mga kinasakupan, well alam mo na kung anong kahinatnan n’yan. That’s an impeachable offense,” dagdag ni Bato.
Nakasaad sa ating Konstitusyon ang mga sumusunod na batayan para sa impeachment: culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, iba pang high crimes, at betrayal of public trust.
Binatikos din ni Bato ang mga sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang gobierno “will respond favorably or positively” kapag hiniling ng ICC na arestuhin ang individual na iniimbestigahan sa pamamagitan ng International Criminal Police Organization (Interpol).
Sinabi ni Bato na ito ay kabaligtaran ng mga naunang sinabi ni PBBM na hindi kikilalanin ng Pilipinas ang jurisdiction ng ICC.
Maaalala na iwinidro ni Dutyerte ang membership ng Pilipinas sa ICC noong 2019, pero iginiit ng tribunal na ito’y hindi makakapigil sa kanilang pag-iimbestiga sa nagawang krimen noong ang Pilipinas ay miembro pa ng ICC.
“You stick to the point that you are not recognizing the jurisdiction of ICC. Regardless kung Interpol, e messenger lang ‘yan… Do not use Interpol as your scapegoat,” bira ni Bato.
“Tila itong gobyerno na ito ay leaderless. Hindi mo alam kung saan ang direksyon ng gobyerno na ito. Sino ang nagtitimon sa gobyernong ito? Kasi tila, hindi na sinusunod yung pronouncement ng Pangulo na we will never recognize the jurisdiction of ICC,” sabi pa ni Bato.
Say ni Bato, kung Bersamin ay nagsasalita para kay PBBM, ibig sabihin ang Pangulo ay gumagawa ng double talk.
Naniniwala naman si Bato na ipagtatanggol siya at si Senador Bong Go ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Si Bong Go ay iniimbestigahan din ng ICC bilang dating kanang kamay ni Digong.
“Depende yan sa magiging bayag ng aming Senate President kung gaano niya kami protektahan… kung sabihin nya no, our Congress is still in session, you cannot touch my people, you cannot touch my senators. So kung panindigan niya yan, then well and good. Salamat,” ani Bato Dela Rosa.
Magugunita na sinabi ni Escudero na walang senador na maaring arestuhin kapag ang Senado ay nasa session.
Pero si dating Senador Liela De Lima ay inaresto kahit session ang senado noong administrasyon ni Duterte.
Si De Lima, numero unong kritiko ni Duterte, ay sinampahan ng gawa-gawang drug cases noong panahon ni Duterte. Nakulong siya ng higit 6 years, at nakalaya lamang nang matapos ang termino ni Digong kungsaan nabasura lahat ng kanyang kaso sa korte.
Balikan natin si Bato. Sa tuno ng kanyang mga salita, natatakot siya damputin ng ICC. Boom!