Advertisers

Advertisers

SGA kinastigo ang Al Nasr para sa 2-0 start sa Dubai

0 10

Advertisers

NASUNGKIT ng Strong Group Athletics ang kanilang ikalawang dikit na tagumpay sa Dubai International Basketball Championship kontra Al Nasr SC, 99-87, Sabado sa Al Nasr Club.

Natapos ang unang yugto sa 50-38 advantage, ang Charles Tiu-coached squad ay umalagwa sa third period at nanguna sa 60-47 sa 5:17 mark sa ikatlong yugto.

Gayunpaman,nagawang tapyasan ng Al Nasr ang deficit sa lima,77-72,sa 7:21 marka sa fourth period bago nag regrouped ang Strong Group at naglunsad ng 11-0 run para umabante ng 16 kulang 5 minuto ang natitira at sa huli ay nakamit ang tagumpay.



Chris McCollough umiskor ng 31 points,nine rebounds,at three assists,habang si Mikey Williams at Dave Ildefonso may 16 at 13 points, ayon sa pagkakasunod para sa Strong Group na umangat sa 2-0.

Harat Mohammed pinmunuan ang Al Nasr sa iniskor na 34 points,seven rebounds,at three assists,habang si Marvelle Harris may 30 points.

Makakaharap ng Strong Group ang Beirut Linggo ng gabi para sa kanilang third game.

Samantala, Nalasap ng Zamboanga Valientes ang 97-82 loss sa Sharjah SC sa kanilang tournament debut.

Pinamunuan ng seven-foot-six Maltese reinforcement Sam Deguara ang Valientes sa double-double na 16 points at 11 rebounds.



Forthsky Padrigao nagdagdag ng 14 points,three rebounds at three steals,habang ang dating San Miguel backup guard Kyt Jimenez bumakas ng seven at five boards sa pagkabigo ng Zamboanga.