Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA isang interview kay Andrea Brillantes ay tinanong ang lagay ng kanyang puso. Ayon sa dalaga, handa na naman daw siya sakaling dumating na nga ang right guy para sa kanya. Pero hindi raw talaga kasi siya nakaka-focus doon, katulad last year, inaamin daw niya sa mga nagpaparamdam sa kanya, na wala pa siyang time sa lovelife kaya naman panay daw muna ang travel niya, at i-eenjoy muna ang pagiging single.
Sinabi niyang noon pa man ay ipinagdasal na niya sa Diyos ang susunod na lalaking kanyang mamahalin.
Nitong huli ay na-link si Andrea kay Kyle Echari dahil sa sobrang closeness nila, pero hanggang pagiging magkaibigan lang pala ang relasyon nila at hindi ‘yun nag-level up into a relationship.
Huling nakarelasyon ni Andrea ay ang basketbolistang si Ricci Rivero noong 2022.
Naging kontrobersyal din ang aktres sa pagkakadawit ng pangalan sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pero wala naman sa kanilang tatlo ang nagsalita tungkol dito kaya nanatili lang itong tsismis.
***
SA isa sa mga recent episodes ng Showbiz Updates nina Ogie Diaz at Mama Loi, napag-usapan nila ang napansing bukol umano sa tiyan ni Bea Alonzo sa larawang kuha kasama si Bianca Manalo.
Sabi ni Ogie,“Sinend sa akin ng isang netizen [yung picture nila Bea]. E, parang pinapasagot niya ako doon sa kaniyang katanungan na hindi ko naman alam kung anong isasagot,”
Tanong naman ni Mama Loi, “Ano bang tanong?”
Binasa ni Ogie ang natanggap na mensahe tungkol sa larawan ni Bea.
“Ito nga, ‘Sir Ogie, ano po kaya ‘yong nakabukol sa harap o gilid ni Bea.’
“Alam mo sa totoo lang, baka ano lang ‘yon, anggulo lang. Baka nasinagan lang ng araw,” saad naman ni Ogie.
Chika naman ni Mama Loi, baka raw shadow lang lalo na’t naka-bodycon dress si Bea.
Sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na pahayag si Bea tungkol sa sinasabing bukol umano sa kanyang tiyan.