Advertisers
Ni Beth Gelena
SI Enzo Pineda ang nakasungkit ng Best Actor sa 11th Emirates Film Festival na ginanap sa Dubai.
Aniya, “I feel very blessed and honored.”
Sa pelikulang As the Call, So the Echo na sinulat at dinirek ni Rusty Palacio Guarin ay nanalo ang aktor kung saan si direk Palacio ang waging Best Director sa festival.
“Sa totoo lang hindi ko siya in-expect, because to begin with, based sa sinabi ng producer namin, we weren’t supposed to be part of this festival. Nagkataon lang, nabigyan kami ng pagkakataon to be part of this festival,” wika ni Enzo.
In the movie, he plays a family man who does underground work for a syndicate that kidnaps children and sells their organs to interested buyers. The movie was shot in Quezon City and was intended to join international festivals.
“Tayong mga Pilipino, we really have the talent talaga and capability and do meaningful and international-quality projects. Nagkakataon lang, ang kulang is the opportunity, sometimes funding, sometimes connection.”
Dagdag pa niya, “Hopefully, mapansin pa tayo ng buong mundo not just with acting but the quality of the projects that we are producing.”
Ito ang unang first international acting award na natanggap ni Pineda pagkatapos niyang manalo bilang Best Supporting Actor noong 2021 FAMAS sa He Who is Without Sin.
Ayon pa sa actor, wala pang plano kung kelan ang local screening ng As the Call, So the Echo, pero pupunta raw dito sa bansa qng Dubai-based producer this March para sa private screening ng pelikula.
***
GABBI KAY KHALIL ‘MY HEART IS YOURS’
ANI Gabbi Garcia kay Khalil Ramos nung kaarawan nito: ‘My heart is yours.’
Sa IG account ng Kapuso aktres ay may heartfelt birthday message siya sa boyfriend.
“Happiest birthday to you. It’s hard to put into words has become since you’ve been in it, every day I pray to God and thank Him for blessing me with you — His greatest gift to my life. I feel so grateful that he chose to lend you to me in this lifetime. You’re my calm, my constant, the reason life feels fuller, and the one who keeps grounded and centered just by being the humble and genuine person you are.”
Ang haba pa ng mensahe ng Kapuso aktres kung saan pawang magagandang kabutihan ng kalooban ni Khalil ang kanyang sinasabi.
“I hope today reminds you of just how deeply you’re loved, not just by me but by everyone who knows you, happy birthday, my love… My heart is yours! Always Gabbi”
Matagal na ang relasyon ng celebrity couple.
At never pa silang na-isyu na nagkaroon ng sigalot.
Marami ang nagsasabing maswerte ang celebrity couple sa isa’t isa.
***
Ayaw nang magtext baka ma-screenshot uli
RUFA MAE MARAMING TANONG SA MISTER
NAGBIGAY ng update si Rufa Mae Quinto sa estado ng relasyon nilang mag-asawa na si Trevor Magallanes.
Aniya, marami siyang katanungan ngunit hindi na umano siya nagkalakas loob na usisain pa ang mister. Matatandaang sa kasagsagan ng isyu ng kasong kinaharap ni Rufa Mae at ini-endorsong clinic, gumulantang sa publiko ang post ng kanyang mister sa kanilang relasyon.
Napag-usapan nina Ogie Diaz sa panayam niya kay Rufa Mae ay ang tungkol sa estado ng relasyon niya sa mister.
Ayon kay Rufa Mae, maging siya ay marami pa ring katanungan sa mister kung bakit nito gusto nang makipaghiwalay sa kanya.
“Ewan ko kung ano na talaga. Basta sabi niya ayaw na niya. Kaya nga marami rin akong tanong, hindi ko rin alam ang sagot or wala na rin talagang sagot.”
“Hindi ko nga alam kasi hindi na nga rin ako nag-text e kasi baka ma-screenshot uli,” natatawang nasabi ni Rufa Mae. Matatandaang kalakip ng mga screenshots ng conversation nilang mag-asawa ang post ng mister na nagsasabing nais na nitong tapusin ang ugnayan nilang mag-aswa.
Nabanggit ni Rufa Mae ang ilang posibleng dahilan bakit biglang ganoon na lamang ang naramdaman ng mister sa kanya.
Isa na rito ang madalas niyang pagpunta ng Pilipinas para sa trabaho na ipinagpapaalam naman niya umano kay Trevor at pinapayagan naman daw siya nito.
Gayunpaman, nilinaw din ni Rufa Mae na kahit ganoon na ang takbo ng kanilang relasyon, malapit pa rin si Trevor sa kanilang anak na si Athena.
“Wala akong pinagsisisihan. We still the best, you know. May mga bagay lang talaga na hindi perfect. Pero masaya ako dahil nand’yan pa naman siya. Mabait siya sa anak namin, mahal na mahal niya.”