Ate Vi, Sigurado Na Sa Lipa, Luis At Ryan Christian Parehong Malakas Sa Lipeños; Alex Gonzaga Endorser Ng USWAG ILONGGO PARTY-LIST Ni Cong. Jojo Ang
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
BAGO naging Congresswoman, parehong nagsilbi ng tig tatlong termino bilang Mayor at Governor ng Lipa, Batangas si Vilma Santos. At kaya buong pusong minahal ng mga constituents si Ate Vi, kasi naging priority sila nito kaysa sa showbiz career niya.
Yes, grabeng magmahal at mag-aruga ng mga Lipeños ang Star for All Seasons. At hindi lang sila ang mga natulungan ng magagandang proyekto ni Ate Vi kundi napagkakalooban din ng relief goods ng actress-politician ang iba’t ibang lugar sa Batangas gaya ng mga naapektuhang residente ng super typhoon na si Kristine. At katuwang ni Ate Vi ang kanyang buong Team at panganay na anak na si Luis Manzano na running for Vice Governor of Lipa, Batangas this 2025 Midterm Election. Sila ang magka-tandem ni Ate Vi sa Lipa. At kung ramdam na ang pagiging landslide winner ni Ate Vi para gobernador uli, well malakas din ang hatak ni Luis sa Lipa. Napanood ko ang FB Live ng actor at mahusay na host (Luis) na nag-iikot sa ilang barangay sa Lipa, hayun nagsilabasan talaga lahat ng kanilang bahay para makamayan si Luis at makapagpa-picture na rin sa kanilang idol.
Narinig din ang sigaw ng nakararami na iboboto nila si Luis na bise-gobernador. Tiyak na magiging click ang tandem nina Ate Vi at Luis, mas magkakatulungan ang mag-ina sa mga project na makatutulong at mapakikinabangan ng marami. Saka bata si Luis marami siyang input o bagong ideas na maibabagi upang lalo pang umunlad ang Lipa, Batangas at kinasasakupan ng lugar. Si Ryan Christian na likas na matalino at mabait na bunso ni Ate Vi. Nasa puso talaga nito ang pagtulong at makapag-serbisyo ng tapat at malinis sa ating mga kababayan. At hindi niya bibiguin ang lahat ng mga nagmamahal at tiwala sa kanya kapag naluklok siyang Congressman ngayong 2025 midterm election sa May 12. Yes, maraming resibo ang nagpapatunay na super dami ang sumusuporta at naniniwala kay Ryan Christian na sweet and charming tulad ng kanyang Daddy Ralph Recto na Secretary of Finance naman ng bansa.
***
LAST Thursday, kasama ang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga at Tito Jojo ay nasa Iloilo na si Alex Gonzaga para sa dadaluhang Dinagyang Festival. Kinuha kasi si Alex ng USWAG ILONGGO headed by Cong. Jojo Ang para mag-endorso ng kanilang Party List, na nanalo na last election.
Naniniwala naman sa magandang hangarin ng Uswag Ilonggo Party list si Alex na ang layunin ay itaas o iangat ang buhay ng bawat ilonggo and to promote positive change. Well, happy si Alex sa pag-stay niya sa Iloilo dahil aside na kasama niya sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay nakapamasyal pa sila.
Isa sa tourist destination na napuntahan ni Alex ay ang Sicogon Isla Gigantes sa Carles kung saan naaliw nang todo ang comedienne and top vlogger sa ganda ng isla at masasarap na pagkaing inihanda para sa kanila partikular na ang specialty ng isla para sa mga turista na fresh nilang scallops. Nagtungo rin sila sa Guimaras Island, at siyempre natikman nila ang matamis at masarap na manga roon. Mainit ding tinanggap sina Alex at Cong. Jojo sa lugar. Nag-ikot din sa siyudad o town ng Iloilo City si Alex at special guest siya sa taunang Dinagyang Festival. Grabe, hindi magkamayaw ang mga Ilonggong fans ni Alex sa rami na dinumog at pinagkaguluhan siya sa pagsali sa Ilomination Street Dance. Knowing Alex, mahal niya ang kanyang fans and supporters at punung-puno siya ng pasasalamat sa lahat.
At gusto ring magpa-thank you ni Alex sa mainit na pagtanggap at pag-asikaso sa kanila ni Cong. Jojo Ang at staff at mga kapwa nito nominee sa Uswag Ilonggo Party list. Pag-iimbita pa ni Alex sa kanyang Ilonggo fans, at sa lahat na boboto sa May 12, 2025 ay 156 sa balota ang nasabing sinusuportahang Party list.
Tumatakbo rin palang Vice-Mayor ng Lipa Batangas ang husband ni Alex na si Mikee Morada. Full support ang ibibigay niya sa kandidatura ng mister at ng buong Gonzaga Family.