Advertisers

Advertisers

1 sa 2 ‘jumper boys’ na nanghablot ng bag sa loob ng kotse sa Tondo, timbog

0 8

Advertisers

NAARESTO ang isa sa dalawang magnanakaw na nakita sa viral video na binuksan ang pinto ng isang kotseng naipit sa trapik sa Mel Lopez Blvd. (dating Road 10) sa Maynila, at tinangay ang isang bag mula sa loob.

Pag-amin ng 18-anyos na magnanakaw, apat sila nang gawin ang krimen.

Sa ulat, dinakip ang magnanakaw at isa pang lalaki habang nagsusugal sa gilid ng boulevard.



Ayon sa pulisya, “jumper boys” ang mga lalaki na karaniwang mga truck ang tina-target para nakawan ng mga bakal at iba pang mapapakinabangang bagay.

Noong nakaraang linggo, nahuli-cam at nag-viral ang pag-atake ng dalawang lalaki sa isang kotse na nakatigil sa boulevard dahil sa trapik.

Nakita nilang hindi naka-lock ang pinto ng kotse na kanilang binuksan at tinangay ang isang bag na nasa loob.

Inamin ng lalaki ang krimen at sinabing apat sila nang mangyari ang insidente. Hindi lang nakuhanan sa video ang dalawa pa nilang kasama.

Itinapon din nila ang bag dahil puro makeup daw ang laman.



Humingi rin ng tawad ang ina ng magnanakaw sa ginawa ng kaniyang anak na nakadetine sa police station.

Reklamong illegal gambling ang isinampa sa lalaki at sa kasama nitong nahuling nagsusugal.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa motoristang nakuhanan ng bag ng jumper boys para sa pagsasampa ng dagdag na kaso.

Maglalagay na ng police outpost sa boulevard para sa seguridad ng mga motorista.