Advertisers

Advertisers

MARBIL, TORRE III, LUCAS AT SANTIAGO DEDMA SA PAIHI AT VICES: BAHID SA IMAHE NI PBBM!

0 1,058

Advertisers

PUMAPANGIT ang imahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa mga itinalagang opisyales ng mga ahensya ng gobyerno na may police power, na hindi umaaksyon laban sa mga nagkalat na fuel theft, na kumukulimbat ng bilyong halaga ng buwis na dapat sana’y napapapunta sa kaban ng gobyerno, at illegal vices na nagbubulid sa mga mamamayan sa bisyo, ayon sa isang grupo ng anti-crime and vice crusaders.

Ayon sa Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), nagkalat ang operasyon ng fuel theft o paihi, buriki, at pasingaw sa bansa lalo na sa CALABARZON, na maituturing na “economic sabotage” dahil sa daang bilyones na buwis ang nawawala sa pamahalaan pero nganga at pinababayaan lang ng Philippine National Police (PNP) lalo na ng operating unit nito, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ilalim ni Major General Nicolas Torre III.

Nagkalat din ang operasyon ng illegal vices lalo na ang Small Town Lottery bookies o jueteng, pergalan (peryahang pulos sugalan), mga sakla den na karaniwang front ng bentahan ng droga partikular shabu na kalimitan ay nasa malaking siyudad at bayan. Walang aksyon dito ang tanggapan nina PNP Chief, General Rommel Francisco Marbil; CIDG Director Torre III, Region 4A PNP Director Paul Kenneth Lucas at maging ni NBI Director Jaime Santiago.



Bilang mga pinuno ng mga opisina na nagpapairal ng batas, dapat ay pangunahan ni Gen. Marbil, MGen. Torre III, RD4A BGen Lucas at Dir. Santiago ang pagsupil sa operasyon ng oil at petroleum theft, at mga ilegal na pasugal na numero unong bumabalahura sa batas.

Ayon sa MKKB, sa Batangas City at Carmona City pa lamang ay daang milyones na araw-araw ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa malawakang paihi/buriki operasyon ng tatlong sindikato na binubuo ng isang “Rico Mendoza”, “Etring Payat” Hidalgo at “Efren” na may mga kuta sa Brgy. Banaba West Bypass Road malapit sa Integrated School at kahilera ng UC Gasoline Station, at sa Brgy. Banaba South Bypass Road katapat ng Toyota Cars Parking Area.

Isang kilometro lamang halos ang layo ng dalawang nabanggit na kuta (Brgy. Banaba West BYpass Road at Brgy. Banaba South Bypass Road) ng magkakasosyong kilala ring drug pushers na sina Rico Mendoza, Etring Payat Hidalgo at Efren sa mga tanggapan nina Batangas PNP-OIC Provincial Director, Colonel Jacinto Malinao Jr.; at CIDG Provincial Officer, Lt Col. Jake Barila, ngunit kataka-takang walang muwang ang mga ito sa nagaganap na kailegalan sa kanilang hurisdiksyon.

Armado ng matataas na kalibre ng baril ang may 30-kataong alipores nina Rico Mendoza, Etring Payat Hidalgo at Efren at may mga bantay pang mga unipormadong pulis at barangay tanod kapag nagnanakaw ang mga ito ng kargamentong petrolyo at nagpapasingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG) mula sa mga tanker at capsule trucks na minameho ng mga kakutsabang tsuper na naghahakot ng naturang mga produkto mula sa iba’t ibang petroleum at LPG depots sa Batangas.

Ayon sa MKKB, kailangang mag-imbestiga si CIDG RFIU 4A Chief, Col. Emerick Sibalo, kung may kinalaman at protektor ang ilang operatiba nito sa Batangas kung kayat hindi ang mga ito gumagawa ng hakbang upang masawata ang operasyon ng mga naturang sindikato.



Ang isa pang malaking kuta ng buriki/paihi na mahigit sa apat na dekada nang pinatatakbo ng isang alyas Balita ay nasa compound ng isang beach resort sa Brgy. Simlong ilang kilometro ang layo sa Batangas PNP at CIDG Headquarter sa Camp Miguel Malvar, Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City.

Ibinabando nina Rico Mendoza, Etring Payat Hidalgo, Efren at Balita na bukod sa lingguhang daan-daang libo na payola sa mga opisina ng Batangas PNP Provincial, PNP Region 4A, CIDG Regional Field Unit 4A, CIDG Provincial at National Bureau of Investigation (NBI) ay may ipinadadala ang mga itong daang libo ring suporta para sa mga tanggapan nina Batangas Gov. Hermilando Mandanas, Vice Gov. Mark Leviste at ilang pili at kaalyadong mga bokales o provincial board member sa Batangas.

Ang isa pang ‘di matinag na pugad ng buriki ay ang ino-operate sa Brgy. Bancal, Carmona City, na mahigit narin 40 taon na pinatatakbo ng isang alyas “Amang” kasosyo ang isang “Cholo” na lider din ng maimpluwensyang sindikato ng paihi/buriki sa Bulacan at iba pang panig ng Central Luzon.

Ipinangangalandakan ni Amang na kapanalig nito ang mga Loyola na sinusuportahan nito ng milyones na pondo tuwing election bukod pa sa may lingguhang protection money na ipinadadala ito sa tanggapan ni Cavite PNP OIC Provincial Director, Col. Dwight Alegre; at Cavite CIDG Provincial Office.

Ang mga mala-casino na pasugalan sa Batangas ay ang mga peryahan sa mga barangay ng Sabang at Talisay sa Lipa City, sa likod ng Sto. Tomas City Public Market na pawang ino-operate nina Onad at Rommel, sa tabi ng public Market ng bayan ng Lian, na pawang may malaking payola na inilalaan sa ilang police at local government officials kasama na ang mga opisina ng city at municipal mayor.

Ang mga hayag na sakla den sa lalawigan ng Cavite ay matatagpuan naman sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Mendez na ino-operate ng drug pusher na sina Joji, Alma, Dencio at ng “Tropang Guyam”.

Ang mga saklaan sa mga bayan ng Amadeo, Maragondon, Noveleta, Ternate, Bailen, Dasmarinas City, Bacoor, Naic at iba pa ay pinatatakbo nina Hero, Ka Minong, Ewang, Elwyn, Eric at Maricon.

Ang kilalang “Cavite Drug Lord” na si alyas “Jun Toto” naman ang nagmamaneobra ng bookies ng EZ2, Pick 3, Perya ng Bayan (PnB) at malakihang illegal drug trade sa buong lalawigan ni Cavite Gov. Athena Byana Tolentino. May karugtong… (CRIS A. IBON)