Advertisers

Advertisers

Trike inambus: driver todas, 2 babaeng estudyanteng pasahero kritikal

0 10

Advertisers

NASAWI ang isang tricycle driver habang sugatan ang dalawang estudyanteng babaeng pasahero nito nang tambangan ng riding in tandem sa Barangay Paharang Silangan, Batangas City Huwebes ng hapon.

Ayon kay Batangas City Component Police Station Chief, Lt. Colonel Ira Morello, binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng nasabing barangay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang ricycle.

Dahil sa natamong mga tama ng bala sa katawan, nawalan ng kontrol sa tricycle ang driver, dahilan para bumangga ito sa halamanan at masugatan ang dalawang estudyanteng babaeng pasahero nito.



Nasawi ang tricycle driver habang nilalapatan ng lunas.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at patuloy na tinutugis ang mga salarin.