Advertisers

Advertisers

PHILIPPINE U-17 BOYS TEAM KAMPEON SA UN BASKETBALL WORLD TEAM SKILLS C’SHIP

0 333

Advertisers

NAKAMIT ng Philippine Under-17 Boys Team ang prestihiyosong kampeonato sa idinaos na online drills competition finals ng United Nations Basketball World Team Skills Championship nang dominahin ang Team Spain kamakalawa.

Matapos ang mahigpitang puntusan sa iba’t-ibang drills sa Homecourt App granfinale, na-outpoint at na-outsmart ng mga pambatong kabataang Pinoy ang mga nasorpresang Español para sa buwenamanong titulo ng koponan mula Asia.

Ang Philippine U-17 Boys Team ay kinabibilangan nina Lanze Ronquillo- prolific playmaker ng San Beda U- Taytay, Peeco Napenas,Zak Gumaya, Paul Barcelona, Asher Vidal,Harvy Guevarra, Adrian Malapa, Kenneth Alde, Lebron Lim, Pankie Capistrano, Lj Dellosa at Ramon Ferrer.



Nakuntento naman ng Philippine U-17 Girls Team bilang runner-up ng nag-reynang mga Hawaiiana na nagkampeon sa distaff side.

Binubuo ng mga sumegundang kabataang Pinay nina Ysabella Gonzales, Princess Villarin, Marga Villanueva, Shanah Nuguid, Jullenne Galgana, Alshe Solis, Karen Siapoc, Issa Martinez, Ynnia Abella, Kyla Mataga, Ava Fajardo at Shina Solis.

Sa Homecourt App ay may pagtutunggaliang mga drills sa loob ng takdang araw.Ang mga may mas mataas na score bawat bansa ay tatanghaling wagi sa naturang virtual na torneo.
Ang Ph U-17 Boys and Girls team ay suportado ng Best Center Sports. (Danny Simon)