Advertisers

Advertisers

Shai Gilgeous-Alexander nagpasabog ng 54 para sa panalo ng Thunder

0 9

Advertisers

UMISKOR si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 54 points upang pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 123-114 home win laban sa Utah Jazz Miyerkules ng gabi Enero 22 (Huwebes Enero 23 Manla time).

Jalen Williams nagpakawala ng three-point play para basagin ang tabla sa 106-106 sa mahigit isang minuto natitira.

Nagtala rin si Gilgeous-Alexander 8 rebounds,5 assists,3 steals,at 2 blocks.



Williams na pumalya sa panalo ng oklahoma City nitong Linggo laban sa Brooklyn dahil sa strained right hip, ay umiskor ng 25 points na ang kanyang magulang ay nakatayo habang nakasout ng Oklahoma City-Utah Jerseys.

Ang kapatid ni William, Cody, naglalaro sa Jazz pero pumalya sa game dahil may sprained left ankle.

Lauri Markkanen umiskor ng 7 sa kanyang 17 points sapanahon ng stretch.

Gilgeous-Alexander kumamada ng 18 points sa Oklahoma City’s 38 point third quarter.

John Collins pinamunuan ang Utah sa iniskor na 22 points at nagdagdag ng 12 rebounds,Collin Sexton nagtapos ng 18 points at 9 assists,at Walker Kessler may 17 points at 15 rebounds.



Ang Thunder ay nagwagi ng 21 sa kanilang huling 23 games,habang ang Jazz ay nabigo ng apat na sunod-sunod at 12 sa 15.