Advertisers
NAGPASIKLAB si Stephen Curry upang tulungan ang Golden State Warriors na itala ang 113-109, wagi laban sa makulit na Sacramento Kings kahapon.
Ang Warriors sniper ay nagpasabog ng anim na triples at nagtapos sa 29 points upang pamunuan ang kanyang team sa ikalawang wagi sa tatlong games.
Kumana si Curry ng 9-of 23 mula sa field,kabilang ang 6-of-13 beyond the arc at nagdagdag ng anim na rebounds,three assists at three steals sa 29 na minutong aksyon.
Bagong recruit Kelly Oubre Jr. nag-ambag ng 22 points, kabilang ang 4 treys, four rebounds at one assists sa 23 minutong laro.habang si Andrew Wiggins bumakas ng 19 points on three triples sa 31 minutong laro.