Advertisers

Advertisers

2 Pulis sangkot sa droga timbog sa Pasay

0 57

Advertisers

Naaresto ang dalawang pulis na “wanted” sa kasong iligal na droga sa isinagawang operasyon sa Pasay City City nitong Lunes.

Kinilala ang dalawang suspek na sina PCMS Emmanuel Esponilla Docena alias Manny, 52-anyos , No. 71 E. Rodriguez St., Malibay, Pasay City; at PMSg Alejandro Florentino Flores alias Andy, 48, ng Block 11, Lot 51, Phase Extension, Green Gate Home, Malagasang 2A, Imus, Cavite,

Sa report, 7:20 ng gabi nang maaresto ng pinagsanib na elemento ng Counterintelligence Division, Intelligence Group, Pasay City Police station at National Capital Region Police Office sa Pasadena St., Brgy. 70, Pasay City.



Inaresto ang dalawang pulis sa bisa ng ipinalabas na “warrant of arrest” sa kasong paglabag sa Sec 29, Article II, RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ni Hon. Danilo D. Leyva, Presiding Judge of RTC, Branch 175, Manila City, noong Jan. 17, 2025.

Walang piyansang ipinagkaloob ang korte para sa pangsamantala kalayaan ng dalawang suspek.

Nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang pulis at nakatakdang iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest.(Mark Obleada)