Advertisers
NAKATAKDANG bumalik sa aksyon ang Filipino pole vaulter ace Ernest John “EJ” Obiena para sa 2025 indoor season.
Obiena, ranked fourth sa mundo ng kanyang sport, ay sasabak sa International Jump Meeting Cottbus sa Enero 29 sa Lausitz-Arena sa Cottbus, Germany.
“Back at it after what seems like forever,” paskil ni Obiena sa Facebook post kasama ang kanyang video na nag te-training.
“On the 29th, I’ll be kicking off my indoor season in Cottbus, Germany. I’m excited to be back in the thick of things and to see what’s in store.”
Fourth place sa Paris Olympics nakaraang Agosto, tinapos ni Obiena ang 2024 season prematurely dahil sa spine injury.
Obiena ay sumabak sa kabouang 10 tournaments nakaraang taon at nagawa ang podium limang beses.
Ang 29-anyos ay huling sumabak Silesia Diamond League kung saan siya nagtapos fifth nakaraang Agosto.
Habang nagpapagaling ng nabanggit na injury, Bumalik si Obiena sa Pilipinas para sa ilang media at fan events.
Inilunsad rin ni Obiena ang kanyang unang training pole vault facility sa Laoag,Ilocos Norte nakaraang Nobyembre.
“This is my first attempt to teach our young athletes how to fish for medals. I believe in investing in our youth. I believe in the greatness that resides in every Filipino in every corner of the Philippines. Let this be simply the beginning,” Wika ni Obiena sa kanyang proyekto.