Advertisers
KUMAMADA si Karl-Anthony Towns ng 25 points at 16 rebounds, Jalen Brunson umiskor ng eight points down the strech at nagtapos ng 17 upang tulungan ang New York Knicks sa 99-95 wagi laban sa Brooklyn Nets( Martes ng gabi Miyerkules sa Manila).
OG Anunoby umiskor ng 20 points at Precious Achiuwa naagdagdag ng 11 off the bench para sa Knicks na nakamit ang kanilang pangalawang sunod-sunod na tagumpay.
D’Angelo Russell nagtapos ng 23 points at 10 assists at Cam Johnson umiskor ng 16 para sa Nets, na nabigo ng apat magkakasunod na laro at siyam sa kanilang huling 10.
Ang New York ay may double-double lead sa third quarter bago nag rally ang Nets at umabot sa one-point lead 88-87 sa 3-pointer ni Keon Johnson sa 5:18 natitira.
Mikal Bridges umiskor ng 10 points sa kanyang first game na bumalik sa Brooklyn kasunod ng July 2024 trade.