Advertisers
SINABI ni figure skater Skye Chua na malaking karangalan na katawanin ang Pilipinas sa nakaraang FISU World University Winter Games sa Italy.
Chua, ang University of the Philippines student, sumabak para sa bansa sa women’s single skating event na ginanap nakaraang Enero 17-18.
“Isang karangalan,” nakasulat sa caption ng kanyang post nakaraang Enero 18.
“Ito ang kauna-unahang beses na kinatawan ko ang aking unibersidad at ang bansa natin sa isang kompetisyon. Although, I truly wish I was able to achieve my goal in this competition, it still feels surreal to be able to skate here and be able to share this performance with everyone. Now that my back is free from injury, it’s time to work harder for the coming season,” Dagdag nya.
Chua ay nagrehistro ng 26.69 sa maiksing program.
Top 24 skaters lang ang susulong sa free skating portion ng tournament.
Rion Sumiyoshi at Mone Chiba ng Japan ang nagbulsa ng gold at silver medals,ayon sa pagkakasunod,habang si Sofia Samodelkina ng Kazakhstan ang naguwi ng bronze.