Advertisers
Nasawi ang tatlong katao at isa ang nasugatan nang mahulog ang isang pickup truck sa isang 100-metro lalim na bangin sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet noong Enero 20.
Kinilala ang smga nasawi na ina Charles Oplas, 21; Jefferson Oplas, 29, driver; at Ruvelyn Agapinan.
Nasugatan ang isa pang pasahero na si Luisito Bacoco, 14.
Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol si Jefferson Oplas sa sasakyan, tumama sa isang kongkretong harang, at nahulog sa bangin.
Ang mga biktima, pawang mga residente ng Barangay Loacan, Itogon, na patungong Baguio City nang maganap ang aksidente.
Patuloy ang follow-up na imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang sanhi ng insidente.