Advertisers
UMARIBA sa Top 7 ng Tangere senatorial bid survey ang premyadong racehorse owner, golfer at Sports patron na si Atty. BENJAMIN ‘BENHUR’ de CASTRO ABALOS, JR sa latest report ngayong January.
Lover ng fun run, boxing at horseback riding ang dating Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) turned Department of Interior and Local Govertnment (DILG) Secretary after ng mayoral post niya sa Mandaluyong City, National Capital Region (NCR), kung saan kinilalang ‘TIGER CITY’ ang lungsod sa kanyang termino mula sa speedy economic success, ala-tigre, at naging congressman.
Isang sulyap sa pag-ungos pa ng karera nito, naitayo ang City Boxing Gym at lalong naging active ang Mandaluyong Sports Development Office (MSDO) spearheaded by former Councilor NOEL BERNARDO, anak ni demised PBA veteran/ Olympian NARCISO BERNARDO na tutok sa various sports events and grassroot sports activities.
Sabi nga, ‘Like father like son’. parehong pusong sports sila ni incumbent Mandaluyong Mayor BENJAMIN S.ABALOS, dating champion golfer sa Taiwan contempory nina political figures/golfers JOE DE VENECIA at President FIDEL V. RAMOS.
Tulad ni BCA, Sports patron din ang former Regional Trial Court (RTC) Judge na ama at nagpasigla ng boxing sa lungsod kung saan natuklasan nito si iconic MANNY PACQUIAO mula sa Bago City, Negros Occidental na naging protegee at unang nakilala sa Mandaluyong Stable/Boxing Gym sa kanyang teen-age years.
Ang tumbok ng anggulong ito, nakatanaw ang sports community sa magandang suporta na maibibigay ni Atty.ABALOS sa Sports ng bansa sa pakikipagtulungan sa sports leaders and athletes kung palarin sa Senate post.
Sa social media, uso ang matinding bashing and BCA is not an exeption, target ng trolls at ilang critics or political opponents, particular pa ang mga tinamaan ng duty noon as DILG Secretary sa paghuli ng crime-involved personalities, topped by the case of Pastor QUIBOLOY na naaresto based sa warrant of arrest.
Entertaining ang mean comments kay ABALOS sa puntong ‘ Di ka namin iboboto, mag-artista ka na lang!’ Well, may fallback agad hah! TV teleseries talent na rin kasi, di lang pangSports pangShowbiz pa ang public servant nang si Attorney, manalo-matalo, tuloy ang serbisyo! Malaki naman pala ang chances as reported by Tangere survey, Top 7! Start na po ng campaign period next month, February. Kaabang-abang, guys! So there!
FUN RUN, DUMARAMI,
SUMMER ATTRACTION
UMPISA na rin po ng registration at takbuhan sa dumarmi pang Fun Run Groups. Ilan sa namataan namin ang Philippine Heart Center Charity Fun Run QC, Pinoy Runners & Fitness Group, Color Feast Carnival Fun Run, Fast Track & Fun Run (Villar Avenue, Cavite), OGP Fun Run na collaboration ng MMDA, Philipine REDCROSS & Dept. of Budget and Management, Fun Run Warriors , Fun Run Sta. Rosa at Sibuyas Festival Fun Run sa Nueva Ecijaa, among others. May registration fee po, di ba? Go! Ru