Advertisers

Advertisers

Private Armed Groups pupulbusin hanggang Marso – PNP Chief

0 13

Advertisers

Nagbigay na ng ultimatum si Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil na wakasan na ang mga natitirang Private Armed Groups (PAG’s) at potential PAG’s hanggang Marso.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, utos ni Marbil na dapat ay hanggang Marso ngayong taon ay mapulbos na ang PAG’s sa isinagawang press briefing sa Kampo Crame.

Posible kasing magamit ang mga ito ng mga tiwaling politiko sa paparating na 2025 midterm elections.
Sa ngayon ay may 3 natitirang active PAG’s na namomonitor ang pulisya sa Regions 3, 7 at 9 habang ang limang potential PAG’s naman ay na-monitor sa Region 1, 2, Region 4A o Calabarzon, Region 8 at BARMM.



Dagdag pa ni Fajardo, walang dahilan ang regional directors at provincial directors upang hindi malansag ang private armed groups dahil base sa monitoring ng PNP ay alam naman kung nasaang lugar ang mga ito.

Dahil sa presensya ng PAGS, magdadagdag ng pwersa ang mga pulis sa mga potential areas of concern.