Advertisers

Advertisers

Sugal lupa sa Bulacan, naka timbre umano sa mga hepe

0 16

Advertisers

Kabi-kabila ang operasyon ng ilegal na pasugalan gaya ng sakla color games at drop ball sa mga peryahan sa buong lalawigan ng Bulacan.

Napag-alaman na pinapayagan ng mga lokal na opisyal at PNP ang operasyon ng mga pergalan (perya-sugalan) na halos bawat bayan at lungsod dito ay matatagpuan.

Ayon sa reliable source, talamak na tila mga kabuteng nagsusulputan ang mga pergalan sa nabanggit na lalawigan at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kung bakit lantaran ang sugalan ito sa hurisdiksyon ni Bulacan provincial director PCol Satur Ediong.



Ayon sa isang magulang na ayaw ipabanggit ng kanyang pangalan, halos mga kabataan at menor de edad ang kadalasang nakikitang nagsusugal sa drop ball at color games na umaabot sa libu-libo ang tayaan.

Base sa sumbong na ipinaabot sa pitak na ito, hindi magandang impluwensiya ang natututunan ng mga kabataan sa nasabing pasugalan.

Ayon pa sa source, kalimitan sa mga batang pinapayagan mag sugal ay nasa edad 14-anyos pataas kaya naman nananawagan sila sa mga local authorities na gumawa agad ng aksyon hinggil sa nasabing ilegal na aktibidad.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang sektor sa lalawigan gaya ng mga samahan ng kababaihan, parents and teachers association hinggil sa hindi mapatigil at masugpo na sugal sa mga peryahan kaya nais ng mga ito na ipaabot kay Police Regional Office 3 (PRO3) regional director PBGen Jean Fajardo ang kanilang petisyon na ipatigil ang sugal sa mga peryahan dahil lubosang nalululong dito ang mga asawa at anak nila.

Nabatid maging ang mga kaparian, pastor at mga religious sector ay tinutuligsa din ang mga naturang pasugalan na matatagpuan sa Barangay Tibag ng Baliwag at Barangay Poblacion ng Santa Maria, Bulacan na sinasabing kinukunsinte ng mga lokal na opisyal at kapulisan.



Samantala, bukod sa pergalan patuloy din na namamayagpag sa mga nabanggit na bayan ang mga saklaan kahit walang naka-burol na patay ay isinasagawa pa rin ang “gambling operation” na inaabot ng madaling araw.

Dapat paimbestigahan ni PNP Chief, Rommel Francisco Marbil at DILG Secretary Jonvic Remulla ang direktang paglapastangan at pambabastos sa batas na PD 1602 at RA 9287 dahil mismong ang mga tagapagpatupad ng batas ang diumanoy bumabalewala dito?
Subaybayan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.