Advertisers

Advertisers

WALANG KATOTOHANAN

0 2,574

Advertisers

Mabigat ang pasok ng taon sa bansa sa paghahayag na nilagdaan na ni Jun Singhot ang Government Appropriation Act (GAA) na nagtatakda sa pondong gugugulin sa taong ’25 ng pamahalaan. Mahigit na P6T ang pondo na inilaan na gagamitin sa iba’t ibang serbisyong bayan ngunit ‘di nakalaan ang ilang mahahalagang serbisyo tulad ng sa Philhealth at ang ‘di pagkilos ng budget ng DepEd gayong wala na si Mary Grace Piattos. Ang masakit, lumaki ang halaga ng unprogrammed fund na inilaan upang may mahila na pantustos kung saan ibig ng pamahalaan o ni Jun Singhot. Hindi maiwasan ang paglaki ng budget na tustusin sa serbisyong bayan na patuloy na lumalaki ang populasyon. Sa paglaki ng pondo ng pamahalaan lumaki ang pagdududa sa GAA sa paglobo ng unprogrammed fund na maaaring gamitin sa darating na halalan at sa pagpili ng tagapagsalita ng malawak na kapulungan.

Marami ang nagtaas ng kilay sa budget na nilagdaan, kaliwa’t kanan ang mga pagpuna higit sa paglalaan ng pondong P26B para sa AKAP na tustusin ipamigay sa mga Pinoy na harimunan ang pamumuhay. Sa nilagdaang budget, lumabas ang kampon ng mangmang at nagpakita ng dokumento na nagsasabing may hiwaga ang pagkakapasa ng taunang budget. Ipinapakita na may mga patlang o espasyo kuno sa dokumentong ipinasilip ni Totoy Osla sa media o social media. Sa ipina-silip na dokumento kita ang bahagi ng kanang papel ang ilang espasyo na walang bilang o datos kaalinsunod sa halaga ng pondong inilaan sa ahensyang popondohan. At may patutsadang “fill-in the blank/s” at bahala kung sino kung o magkano ang ibig ilagay na halaga.

Nakakabahala ang paglalabas ng dokumentong banggit hindi dahil sa may katotohanan ngunit ang pagiging malisyoso ng paghaharap na dagok sa integridad ng dalawang kapulungan ng kongreso. Sa totoo lang, hindi lang ang dalawang kapulungan ang naka salang sa usaping banggit higit ang ehekutibo. Ngunit hindi inaalis na ‘di opisyal na dokumento ang ipinasilip na maaaring gawa-gawa lamang upang manira o siraan ang ilang tao o institusyon. Hindi maalis na pagdudahan ang dokumentong ipinasilip higit galing sa mapag-imbot na tao na mahusay sa paglulubid ng kasinungalingan mapaganda lang ang pangit na itsura’t ngalan.



Latay ang makakamit ng mga tao o institusyon na pinatutukuyan ng pinasilip na dokumento, higit ang tatlong lider ng bansa. Maraming Pinoy ang naka batid ng kasinungalingan ipinakita sa social media na tila pinaniniwalaan o naniniwala na nakakaapekto sa integridad ng pagpasa ng GAA. Sa katunayan sa mga sumilip sa bangit na video clip na naniniwala sa salang gawa ng paglalagay ng mga patlang na bahagi ng dokumento ng GAA, higit ang bakanteng espasyo na malalagyan ng halaga na pondong ibig. Hindi lang usapin ng sangay ng ehekutibo ang usapin ng GAA, higit na mainam na ang dalawang kapulungan ang magsalita kung totoo o hindi ang ipinakita ng puno ng mangmang ng kaTimugan.

Sa takbo ng kaganapan inaasahan na magsasalita ang dalawang kapulungan ng masagip ang GAA na nagmula sa kanilang hanay. Ang malaman na kung may naganap na pagpapalit sa nilalaman ng GAA na nilagdaan ng mga lider ng dalawang kapulungan. At panagutin kung sino ang may sala. Ang makatuwirang hakbang sa paglilinis ng ngalan ng kongreso na pinanggalingan ng dokumento ng GAA ang inaasahan sa mga lider ng dalawang tahanan. Sa pagkakataon na nagmula sa ehekutibo ang pagpapalit ng datos sa banggit na dokumento alamin ang utak ng pagpapalit at kagyat na sampahan ng kaukulang kaso o usapin. At kung ang punong tagapagpaganap ang may sala, ang paghahain ng pagpapasipa o impeachment ang gawin ng maiwasan ang maling galaw, pagmamalabis sa pera ng bayan na nasa pamahalaan.

Sa pagkakataon na ang nagpahayag o nagpakita ng dokumento ang may sala, ang pagsasampa ng kaukulang kaso ang gawin ng ‘di pamarisan. Walang puwang ang kampihan sa pulitika dahil ang makikita na makakamit ang hustisya sa bansa ang dapat maganap. Maging ang may sala ay dating lider ng bansa. Ang pagpapahalaga sa tamang impormasyon higit naka salang ang kapakanan ng bayan ang puno’t dulo ng hakbang na kinikilos ng pamahalaan. Ang managot ang may sala ang kilos na inaasahan ng bayan. Hindi usapin ng politika ang managot ang may sala higit sa taong karaniwan ang panlilinlang sa bayan dahil sagrado ang usaping kabuhayan.

Sa totoo lang, mabigat ang galaw ng mga mangmang ng kaTimugan higit ang pagpapasilip ng dokumentong banggit sa itaas. Sa totoo lang, ang mapalakas ang simpatya ng bayan sa naganap na mapayapang pagtitipon ang layon na ibig ipaabot ni Totoy Osla. Ang magkasunod na buntal ang gawa upang lumuwag ang tindig ni Jun Singhot sa ‘di kumikilos na pagpapasipa kay Inday Siba. Subalit, may nakatagong layon ang mangmang ng kaTimugan, ang makatakbo sa panguluhan ang inahing matakaw sa salapi ng bayan. Patunay ang tuwiran paglabas ni Totoy Osla na isinasaalang ang sarili sa kapakanan ng masibang anak para sa kinabukasan ng kaTimugan.

Sa totoo pa rin, naniniwala na sala o walang katotohanan ang ipinasilip na dokumento ngunit sa patas na pananaw, mainam na alamin ang puno’t dulo ng paglalahad ng mangmang ng kaTimugan. Ang maituwid ang baluktot na pahayag ng kaTimugan ang magpapalaya sa pamahalaan. At ang panagutin ang mapag-imbot na si Totoy Osla ang gawin ng ‘di pamarisan ng dati o kasalukuyang lider. Sa kabilang banda, may kainaman na may naglalabas ng puna sa kilos ng pamahalaan higit sa paglalaan at paggamit ng pondo ng bayan. Marami ang puna sa GAA na sana’y bigyan pansin ng ‘di magamit sa sariling pagnanais. Malinaw na may dapat ayusin sa GAA higit ang mga unprogrammed fund na naka abang na gagamitin ng Masiba Rin sa salapi ng bayan.



Umaasa na walang katotohanan ang pag-aakusa ni Totoy Osla sa GAA at inaasahan na kikilos ang dalawang kapulungan upang malaman ang layon ng kawan ng mangmang. Tunay na ‘di nasisiyahan sa kilos ni Mang Roman ng malawak na kapulungan na sarili ang una at ‘di ang bayan. Sa takbo ng kaganapan, gumising mga kinatawan bayan na palitan si Mang Roman nang patuloy na gumanda ang pananaw ng bayan sa inyong kabahayan. At sa pinsan na walang alam ngunit may swerteng palad, isantabi ang magka-isandugo kung nais na makamit ang paglilinis ng ngalan na patuloy na ‘dinudungisan ng pinsang mataas ang pangarap na walang kasikatan

Maraming Salamat po!!!!