Advertisers

Advertisers

HOUSE OF CROCS?

0 32

Advertisers

EKSENA sa isang classroom.Nagtatanong ang teacher sa kanyang pupils.

Pedro,ano ang gusto mong maging paglaki mo? ‘Presidente!’, karaniwang sagot tulad din ng maging Doktor, Piloto , Sundalo atbp.

Ikaw naman Juan…di pa natatapos ang tanong ay sagot agad…”Congressman!..para madaling yumaman! kurap-kurap lang perang walang kahirap-hirap!, wika ni Juan na mistulang marami nang alam sa kanyang musmos na buhay.Laking gulat ni guro sa updated at lingat niyang disipulo.



Sabagay sa panahong ito ng social media ngayon ,kung saan ay bihasa na ang bagong henerasyon sa nangyayari kasalukuyan sa mundo thru gadgets ay mulat ang lahat maliban sa ilang alagad ng pamamahayag sa meynstim.

Ang napapanood kasi ngayon sa mainstream media( lalo sa broadcast) ay mga teleserye ng drama o aksiyon ang tunghay kung saan ay napo-portray si Congressman na pinuno ng sindikato na nahihiga sa kinamkam na salapi sa masamang paraan.At ang tunay na balita sa pulitika sa bansa ay naging partisan o kaya’y kung sinong may makapal na hatag ay banner story kahit baluktot ay naitutuwid kesehodang kapakanan ng bansa ang nakataya.

Bakit Congressman?Lalo na iyong mga kinatawan sa Kongreso ngayon.Mas marami na ang kruk kesa tunay maglingkod sa nasasakupan.Hindi sila makatanggi sa tawag ng tukso ng kuwarta mula sa buwis ng sambayanan?

Bakit nga ba ang mga nagbalangkas ng Saligang Batas ay pinayagpasyahan na ang Kongreso ang may timon kung saan mapupunta ang pera ng bayan?Daang libo lang halos ang bumoto sa kanila mula distrito nila ay sobrang kapangyarihan naman nila at sìla ang may control sa power of the purse habang ang mga daang milyones na bumoto sa Pangulo, Bise, Senador ay walang kontrol kahit harapang mangangkong ng pondo sina Cong.?Payag silang bansagang mangungulimbat o kawatan? Basta ang sigurado ay mabubundat ang mga tiyan nila galing sa dekwat sa kaban ni mang John.

Kailan mababago ang imaheng magnanakaw ni Cong. Buwakaw?



Lalo na iyong mga hangga’t nariyàn ang mga asong loslos ng kanilang ‘ispekirin ‘ na pinaglihi sa sitirisin pero makati pa rin ang palad sa pandedekwat.Hangga’t nagagamit ang mgä damontres na kinatawan kuno ng party list na nabansagang terorista mula komunista ay tuluy -tuloy pa ang gahasa ng mga tiwali at kruk na pulitiko ng bansa. Itaboy ang mga baboy na nagkatawang- buwaya sa bahay ni kuya bago masimot ang kabang- yaman gagawin pa ng mga kawatang kruks o crocs na sobrang yaman.Sinong gustong maging CONGRESSMAN?Dami pa sila hangga’t di nabubuwag ang Haws of Crox kahit Itanong niyo pa kay JUAN!

Lowcut: Special shoutout kay kaisport na Benedict Ganggay ng Mitsubishi Best Deal diyan sa Manila.The frontrunning car dealership in town.Walang hirap maka-avail ng Mitsubishi units basta kumpleto sa reqùirèment ay garàntisadong fast approval.Pm lang sa 09451935742 para maiendorse kay tsokaran Benedict..maý promo pa NOW NA!