Advertisers

Advertisers

Celtics pinahiya ang Warriors

0 5

Advertisers

PINAMUNUAN ni Jayson Tatum ang anim na Boston players sa double figures na may game-high 22 points matapos gisahin ng Celtics ang Golden State Warriors 125-85 sa San Francisco bilang bahagi ng NBA’s Martin Luther King Jr. Day slate.

Kristaps Porzingis nag-ambag ng 18 points at Jaylen Brown umiskor ng 17 para sa Boston.

Ang Golden State ay hindi natalo ng 40 sa balwarte simula pa noong Enero15,1985.



Ang 40-point margin ay katulad sa 140-88 na pagdikdik ng Celtics sa Warriors nakaraang Marso matapos magwagi ang Golden State 132-126 sa overtime sa nakalipas na tatlong buwan. Sa ngayon sinurpresa ng Warriors ang defending champion sa kanilang home floor sa iskor na 118-112 wagi nakaraang Nobyembre 6.

Nagtala rin si Tatum ng game-high nine rebounds, seven assists at two steals.Payton Richards tinapatan ang kanyang game-high nine assists at 14 points.

Sam Hauser nagdagdag ng 11 points at Jrue Holiday nagrehistro ng 10 para sa Celtics,Derrick White may 3 blocks,eight points,five rebounds at five assists.

Stephen Curry pinamunuan ang Warriors sa iniskor na 18 points pero nalimitahan sa 4-of-12 mula sa 3-point range.

Moses Moody nagdagdag ng 13 points para sa Golden State, na nawawala sila Draymond Green, Jonathan Kuminga, Brandin Podziemski at Kyle Anderson dahil sa injury.