Manila Mayoralty Candidate Super Mahra Tamondong, Inagawan Na Ng Pagiging Hermana Mayor Sinabotahe Pa Raw Ni Mayor Honey Lacuna?
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
GRABE naman si Mayor Honey Lacuna, nagpaubaya na nga ang maganda at mabait niyang kalaban sa Manila Mayoralty Race na si Super Mahra Tamondong para sa pagiging Hermana Mayor sa katatapos lang na Buling-Buling Festival at pagkilala kay STO. NIÑO DE PANDACAN na annually ay idinadaos sa Pandacan, Manila.
Yes, dahil likas na maunawain ay nag-give way si Super Mahra sa hiling ng kampo ni Lacuna na ngayong taon ay siya ang maging Hermana Mayor.
Pero ang masaklap, pati raw yung sana’y karwaheng sasakyan ni Super Mahra na nakagawian nang gawin ni Mayora, tuwing uma-attend siya ng Buling-Buling Festival ay ipinagbawal din umano ng kampo ni Lacuna. Tapos, porke’t nakita ng mga tao niya (Lacuna) na sa parada o prusisyon ay si Super Mahra ang pinagkakaguluhan kasama ng Team at line-up nito sa 2025 midterm election headed by her Vice Mayor Remy Oyales and 7 supportive councilors. Pati yung mga nasa taas ng kanilang bahay ay isinisigaw nang pagkalakas-lakas ang pangalan ni Super Mahra.
Hayun, dahil nakita nilang malakas ang hatak nito sa tao sinabotahe nila si Super Mahra. At lahat ng kandidatong Mayor sa Maynila ay binanggit ng host ang pangalan pwera lang kay Super Mahra.
Dito ay nag-react na siyempre ang team ng magandang katunggali ni Honey sa darating na election. Grabe, ang dumi niyo lumaban. Lumaban naman kayo nang patas. Aware naman kayo na kandidata ring Alkalde si Super Mahra pero pilit niyo siyang inilalaglag. Lagi niyong tinatanggal ang kanyang pangalan sa listahan at kayo ang mga pabida. And how true? We heard, na magkakampi raw kayo nina Isko, SV at RB sa pananabotahe kay Super Mahra? Hala, maling-mali kayo diyan at baka balikan kayo ng karma! Halatang pilit niyo ring ginagayang lahat, Honey, Isko at SV ang “LOVE” ni Super Mahra sa mga Senior Citizens sa Maynila. Hellow? Advocate siya ng senior citizens at sa kanya nakita ng mga elders na ito ang totoong malasakit at pagmamahal. Saka kayo umalis agad sa venue. Si Super Mahra at ang kanyang team ay nag-stay hanggang sa matapos ang prusisyon at programa dahil malaki ang respeto niya sa relihiyong Katoliko at kay Sto. Niño De Pandacan. Bakit ba kayo laging nagmamadali umiiwas ba kayo sa tao? Just asking! Sa pamamagitan ng kanyang FB Live, bumati rin pala si Super Mahra sa lahat lalong-lalo na sa minamahal niyang Manilenyos para sa Kapiyestahan ni Sto. Niño De Tondo.