Advertisers
Nakibahagi sina Partido Federal ng Pilipinas Manila Mayoralty Candidate Raymond Bagatsing at Vice Mayor candidate Chikee Ocampo sa selebrasyon ng taunang ‘Lakbayaw’ sa Pista ng Poong Sto. Niño de Tondo.
Dumalo sa maaga misa si Bagatsing bago simulang ang Lakbayaw at sumama rin ito sa parada ng Sto. Niño sa iba’t-ibang kalsada ng Tondo.
Gustong ipadama nina Bagatsing at Ocampo sa mga Tondonians ang kanilang pagmamahal sa mga ito at sumabay sa pag-indak ng mga tambol.
Mainit naman tinanggap ng mga taga-Tondo si Bagatsing at naghihiyawan na mayroon ng bagong pag-asa ang Maynila sa kanilang ‘IDOL’.
Kaya nga hinihikayat ni Manila Mayoralty Candidate Bagatsing ang kanyang mga kapwa kandidato na sina Mayor Honey Lacuna Pangan at Isko Moreno na itigil na ang batuhan ng putik dahil sinisira lamang nila ang bawat isa.
Ayon kay Bagatsing, sa ginagawa ngayon ng dalawa niyang katunggali sa pagka-Mayor sa Maynila wala namang naihahatid na maayos na plataporma kung papaanong pagagandahin at isasaayos ang Maynila dahil nauubos ang oras ng dalawa sa walang humpay na siraan at nakalimutan na ang tunay na kahulugan ng serbisyo publiko.
Ayon kay Bagatsing na kung sakaling papalarin itong maging alkalde ng Maynila, agad niyang uunahin ang paglilinis ng buong lungsod, tamang paggastos sa pera ng City Hall, paglikha ng dagdag na trabaho sa mga Manileño at maayos na serbisyong pangkalusugan.
Nagpasalamat si Bagatsing sa lumabas na bagong survey kung saan nasa ika-apat na pwesto ito na dati hindi naman lumalabas sa survey.
Aniya, hindi nito inaasahan dahil wala naman siyang pera o pondo para umikot ‘di tulad ng kanyang mga katunggali.
Samantala, dumalo rin si Bagating sa Buling-Buling sa Sto. Niño ng Pandacan sa Liwasang Balagtas nitong Sabado.
Itinuturing ang Buling-Buling na isa sa mga pinakatanyag na pagdiriwang sa Maynila na nagpapakita ng pananampalataya, kultura, at pagkakaisa ng mga taga-Pandacan.
Kung gaano kainit ang naging pagtanggap ng mga taga-Tondo ganoon din ang naranasan ni Mayoralty candidate Raymond Bagatsing sa Pandacan.