Advertisers
Ni OGGIE MEDINA
AYON Kay Rod Navarro Jr. ang kanyang mga memorable experience sa teleseryeng Batang Quiapo ay nang mabigyan ng pagkakataong makipagsabayan sa mga beterano at mahuhusay na artista sa umpisa at kasalukuyang eksena sa Batang Quiapo ng ABS-CBN.
“Isang malaking karangalan para sa akin lalo na dala ko ang pangalan ng aking yumaong ama na isa rin sa beterano at respetadong artista. Iyan ang karanasan na di ko malilimutan.”
Wika niya pa sa akin: “Si Direk Coco Martin ay may mabuting puso na matulungin lalo’t alam nya na may nais kang mangyari sa buhay at pamilya mo. Lagi siya abot-kamay sa mga artistang nais bumangon sa buhay at magkaroon muli ng second chance. Strikto siya pagdating sa trabaho at matiyagang mabigyan ng magandang programa ang mga manunuod.”